Wednesday, March 26, 2008

Ang Kaibigan Kong Babaero


Pasensiya na pare
Ikaw naging insiprasyon ko
sa pagkatha ng tulang ito

May kaibigan ako, si Berwin
Sandamakmak na dilag ang naloko
niloloko at maloloko…

Mabait yan, promise
Kasama ko sa saya at hardships
‘Yun nga lang
Babaero talaga.

Malupit yan sa chicks
Meron sa kaliwa’t kanan
Sa Aparri, sa Jolo,
Meron din sa Pangasinan.

Pre-paid lang ang loko
Pero sa isang buwan
Tinetext ay libo-libo
Ganyan talaga
Babaero, babaero, BABAERO!!!

Sa totoo lang,
hindi niya tunay na name ang Berwin
Haha, gusto nyo malaman ang totoo?
Ang pangalan niya talaga ay …

Tuesday, March 25, 2008

Dreem Haus



Kung ganito ang gate ng parking lot ng "dreem haus" mo, good luck sa 'yo! Wahahahaha!!!

Monday, March 24, 2008

Malungkot





Nakita ko lang sa kapitbahay ng barkada ko...





Ang lungkot naman ng scooter na ito. Hindi siguro makahinga. Wahahahaha!!!!!! Optimus! Help!!!!!






Saturday, March 22, 2008

Catchy Reggae Cover


2 inihaw na tilapia +
1 kahang yosi +
4 bagong kakilala +
hindi mabilang na bote ng alak dahil feeling nila ay magkakaroon ng strike ang liquor companies +
1 drunk reggae artist +
1 guitar

equals

discovery of a catchy cover ng isang popular song. click nyo ito.


sana nga lang hindi lasing nung kinanta hehe...

Tuesday, March 18, 2008

Ikot


Apat pa lang magkakasama na tayo
Maliliit na gawain pero higanteng kasiyahan
Wala nang sasarap sa nakaraang tagpo
Kahit salapi hindi ito mapapalitan

Hindi nagtagal at naging dalawa na tayo
May sariling lakad at iba’y may apat na
Suntok sa buwan ang maging kumpleto
Sinusulit na lamang, kaming natitira

Darating din at magiging tatlo na lang
Manhid na sa kasinungalingang inaasam
Ang dating kasiyahan ngayo’y patlang
Ganito talaga, mahigit-kumulang…

Monday, March 17, 2008

Durugtungan


Tapos na ang iyong laban
Marami pa ang nasa digmaan
Darami pa ang katulad
Tatlumpung pisong nasilat

Plano Niya ang nangyari
Malinaw samin ang mensahe
Hindi kami magbubulag-bulagan
Hindi kami magbibingi-bingihan

Hindi mapupunta sa wala
Ang pag-alis ng katawang lupa
Imposible man ibalik ang oras
May magagawa kami sa bukas...





tugon sa

30 pesos na alaala ng pgh

Sunday, March 9, 2008

Muli


nasaan na ang lapis?
kailangan ko magsulat
may dumadaloy sa tuyo kong utak
ilang buwan na din
bago nagising
makukulit na tugma
sinasabayan pa ng himig
teka, burahin ko muna
sigurado ba ako sa mga salita?
hindi to nakakatuwa
ano ba ang tutugma?
pasensiya ka na
kailangan ko lang ilabas
salamat sa pagbasa
salamat sa iyong oras


galing sa yumao kong blog