Friday, April 25, 2008

Sana Ikaw Na Lang Si Maja Salvador

Dahil limang piso lang ang kailangan at updated na ako sa iyo. Hindi ko na kailangang umupa pa sa Netopia tuwing weekend para maghintay sa mga kuwento mo.

Dahil saan mang lipat ko ng channel sa telebisyon ay makikita na kita. Hindi ko na kailangang dumaan pa sa butas ng protozoa para lang masulyapan ka.

Dahil isang {keyword} space ON and then send to 2366 lang ay magtetext ka na. Hindi ko na kailangang maghintay pa sa message mo na ‘di mo naman ipapadala.

kamtutinkopit, huwag na lang…

Dahil ang tabloid na bibilhin ko ay puro tsismis lang ang nakasulat. Dahil isang palabas lamang ang pagkatao na ipapakita mo sa tv. Dahil kalokohan ang isang artista na ang textmate ay ang buong Pilipinas.

Maghihintay na lang uli ako sa madalang na pagpaparamdam mo sa akin...
















BUZZ!!!

29 comments:

jeckyll27 said...

uy uy uy! bakit nandyan ang pic ng gi ep ko?! nagpaalam ka ba? pinayagan ba kita? haha

ayos tong post na 'to ah. para kanino ba 'to? hopeless romantic ka rin pala pareng chie. sabay sabay nating kantahin ang theme song nung EB: "kapag tumibok ang puso, wala ka nang magagawa kundi sundin ito..oohhoh"
hahaha.

pEyt said...

eto na! eto na!

BUZZ!!!

ahahah

anu dw?huh??paulit nga??paexplain nga..ahaha

sabi ko syo aabangan ko to!!!
^_~ nice!nice! apir-

ayzprincess said...

blog hopping!

waw! kras ko din si maja! :D kasi magaling syang sumayaw. isa sya mga sampung-pilipinong artista-kapag-nakita-ko-magpapapicture-talaga-ako. sunod kay anne curtis :D kamtutinkopit, sabe mo nga :D, silang dalawa lang ni anne curtis ang babaeng artista na nasa listahan ko. heheh.. lahat puro boys na! :D

Dakilang Tambay said...

crush din siya ng biep ko. hehehe. :) siguro ung special para sayo kamukha ni maja :)

RJ said...

maja! majal na kita!

ToxicEyeliner said...

bigatin ka pala talaga... !!!

ikaw a...!!!

linglingbells said...

hmmm.. mukhang malakas ang tama mo sa "maja salavador" ng buhay mo ah! hehe!

The Gasoline Dude said...

Aken si Maja! AKEN! >= C

Ava Lyka said...

oii..may eytchdi ka pala kay maareng maja.na shock naman ako.haha

chroneicon said...

@ jeckyll - hoy! di ka raw kilala ni maja! nabasa ko sa remate,haha

@ peyt - isipin mo ikaw iyong lalaki at hindi si maja. haha! peace tayo!

@ ayzprincess - salamat sa pagdalaw. parating bukas ang bintana ng blog ko sa iyo..

@ dakilang tambay - for sure mas maganda siya kay maja

@ rj - ops ops! d ka raw niya mahal, nagtext sa akin.

@ toxic - magdidiyeta na ako.. sorry na... huhu

@ linglingbells - di naman, parang tama lang ng 2 case ng red horse at 5 empoy na long neck

@ gasul -PIIIIILAAAA!!!!!!!! marunong ka ba nun?

@ ava - eytchdi! haha, bumenta sa akin!

Mariano said...

Kung ako papapiliin mo sa pagitan ni MAJA SALVADOR at ni Dakilang-Tambay, putangina kay Dakilang-Tambay na ako! Bwahahaha!

Kaso lang mas magaling sumayaw si Maja kaya baka magbago ang isip ko.

Pero boss Chroneicon, kay Ehra na lang ako kasi nakakapagmaintain pa siya ng blog niya.

Http://ehraisms.multiply.com

Plistinkopit.

kingdaddyrich said...

ayun! buti na lang dito pwede mag comment. kay kuya gasoline dude hindi ako makacomment! hahaha... lols.

oo nga pala, si maja? close ba kayo kuya? nako, crushness ko yan noong baguhan pa. ang lupit niyang gumiling. ayii.. hahaha.. nakaka arouse! ahahhaa..

potek, bastus. bwena mano ko pa naman sa pagkumento dito! hehehe..

Espie said...

Pare nakonsensya naman ako bigla! ndi ko akalain na crush mo si MAJA, di bale pare punta ka lang sa bahay kung gusto mo sya makita ng personal? Nung umalis ako kaninang umaga tulog pa sa kwarto ko eh.. =P

ToxicEyeliner said...

inaaway mo na naman ako
=(

The Gasoline Dude said...

Walang pwedeng umaway kay Steph. Mala- Maja Salvador ang leveling nyan eh. Hahaha! = P

chroneicon said...

@ mariano - puwede. pero nangingibabaw (wag bastos ang isep!)si Maja e.

@ kingdaddyrich - wish ko lang close kame, igigibap ko na ang kaguwapuhan ko para lang mangyari iyon

@ espie - *mangarap kaAAaaaaA!!!*

@ toxic - sorry na po =(

pb said...

crush mo ba si maja? haha. taena ka, si anne curtis nalang. nyahahhaha. ala lang. may movie kasi si anne eh.. napanod kona kasi kanina yung Forbiden King. hihi. ayus. saya. txt mate tayu gusto mo? haha

damdam said...

awwwwww.... ang sweet..

ToxicEyeliner said...

si pb daw gusto kayo nalang o... un un e! bagong loveteam! haha

kurisujae said...

love, love, love...

ayos yan!

Espie said...

Oo pare mananatiling pangarap na lang sya sa iyo!! dahil akin sya. hehehehe

Ruthan said...

isang maja lang ang gusto ko! ung kakanin na puti!

hoy pb! umayos ka nga! di mo na nga narereplyan ung iba naghahanap ka pa ng katxtmate...

ayus ang pakakagawa. apir!

GODDESS said...

heheheehhe... ganda nga ni maja. sobra na siyang nag-evolve dun sa dati niyang itsura na di gaanong pansinin...

GD.. hoy selfish ka! ayaw mo na nga ako i-share kay chrone, pati ba naman si maja, sosolohin mo din?!?! wahahaha!! tsismis ito!

The Gasoline Dude said...

@Goddess: Ikaw ba, gusto mong me kahati sa puso ng minamahal mo?

lethalverses said...

dahil biglang nawala ang orihinal na komento ko dito...

paki ko? ulitin ko na lang:

isa lang masasabi ko: mahusay. mula sa inspirasyong nakuha mula sa simpleng "text scam" ng mga celebrities; hanggang sa huling bahagi kung saan naipahiwatig ang pagpaparamdam na inilarawan ng "BUZZ" message ng isang YM upang humanap ng atensyon - magaling ka talaga chrone!

...at talaga ngang "YOU'RE BACK!!!!"

kampay para sa tuloy-tuloy na pagdaloy ng kaisipan!

(sinapian na naman ako wehehehe)

chroneicon said...

@ pb - txt m8? oh sure, just text {ARTISTANASICHRONE} to 2366.

@ ruthan - salamat sa pagdalaw =D

@ goddess - welcome back!

@ lethal - hindi nawala ang orihinal na komento mo. malamang hindi mo lang naclick ang "Publish Your Comment" noong time na iyon at kung bakit ay hindi ko alam. WHAT WENT WRONG?!!!!

trishie said...

hi chie. :D
tagal ko nawala.
awooosh. emote na emote ang drama ng post na ito ah. :)

pero alam mo..
mas maraming commercial si Marian Rivera. lol. siya talaga yung "kada lipat ng channel, andun". :p

chroneicon said...

@ trishie - Maja pa rin ako! hihihi

rangergurl said...

malalim, magaling ka nga talaga magsulat...