Monday, May 26, 2008

Huwag Mong Buhayin Ang Bangkay!

You wouldn't steal a Car.
You wouldn't steal a Handbag.
You wouldn't steal a Mobile Phone.
You wouldn't steal a Movie.
Movie Piracy is Stealing.
Stealing is Against the Law.
Piracy. It's A Crime.
May punto nga naman ang gumawa ng campaign na ito. Hindi ako magtatangka na magnakaw ng wallet o Nokia 3210 dahil nga masyadong mapanganib. Wala akong balak subukan kung sino sa amin ni Yagami Light ang mas matalino pagdating sa diskarte o kung sino sa amin ni Pong Pagong ang mas mabilis pagdating naman sa takbuhan.
Hindi present ang awareness na ito sa karamihan dahil hanggang ngayon ay laganap pa rin ang pagtangkilik ng mga tao sa mga piniratang dibidi. Bakit nga ba nagiging hipokrito ang mga tao pagdating sa ganitong uri pamimirata? Simple lang. Paano kung may magsabi sa iyo, “Pare, gusto mo i-burn kita ng kotse? Bente pesos lang, original quality pa.”, hindi ka ba bibili?
Dahil sa walang kuwentang pangangatuwiran na yan ay naging suki ako ng mga tindera ng debede sa Quiapo. Mahilig ako sa mga palabas na katatakutan lalo na iyong may kinalaman sa mga zombie o patay na nabubuhay.
Minsan umuwi ako ng bahay na may pasalubong na pirated dvds para sa aking sarili. Una kong pinanood ay porn este comedy. Pangalawa, documentary. At para sa finale ay ang aking paborito, horror! Pinatay ko ang ilaw ng kuwarto para maramdaman ko talaga ang takot na idudulot ng palabas. Sampung minuto makalipas ang ikatlo ng madaling araw o mas kilala bilang oras ng witching hour. Kasasalang ko lang ng disc nang biglang tumunog ang landline ko. Susmariano! Ilang beses ko nang napanood ang ganitong situwasyon. Sasagutin ng bida ang telepono at biglang tatakutin siya ng tao sa kabilang linya o kaya nama’y nasa paligid lang niya ang killer at anumang oras ay susunggab na siya.
Ring!!!
…..
Ring!!!
ako: Hello?
unknown caller (uc): Chie…
ako: Sino 'to?
uc: ‘Di mo na ko kilala?
ako: Magtatanong ba ako kung kilala kita? Wala naman akong caller id.
uc: Hayop na ugali yan…
ako: Haha! Kung kilala mo nga ako, alam mong nagbibiro lang ako.
uc: Si _____ ‘to.
ako: Haha! Nice try. Sino ka nga talaga?
suspected pretender (sp): Ako nga talaga ‘to. ‘Di mo ko nabobosesan? May sipon ako.
ako: Nope. Patunayan mo nga. Ano ang nangyari noong unang date natin?
sp: Naman e!
ako: Bakit ‘di mo masagot?
sp: Fine! Sinundo mo ko sa school. Kumain tayo sa Savory tapos nagbilyar sa second floor. Nagbibiruan tayo noong pauwi na. Tumawa ako sa ‘pating’ joke mo kaya tinulak kita. Napalakas pala at dahil doon ay nakatapak ka ng tae ng aso. “Putangina, jackpot!” Iyon pa ang sinigaw mo.

ako: Ikaw nga iyan. Sensiya na, ‘Di talaga kita nabosesan. Hehe…
x: Ayos lang. Tagal na rin 'no? Halos kalahating dekada na.
ako: Oo nga, teka ano yang music na naririnig ko?
x: Wait lang, lakasan ko…
Nandyan pa ba,
Mga ala-ala?
Ang tanging bagay na naiwan
sa 'ting dalawa.
ako: Ayos! Mojofly! Haha… Teka, ba’t ka nga pala napatawag?
x: ‘Ala, nangangamusta lang… Sikat ka na ah! Nakikita kita sa Greenpinoy!
ako: Hindi ako iyon.
x: Mabaog ka man?
ako: Fine, ako iyon pero hindi ako sikat. Pucha, e di sana artista na ko sa dos. Ay mali, sa kabila pala.
x: Galit ka pa din sa ABS? Alam naman nating nauna ang out-of-bed look mo kesa kay Dao Ming Shit. Iyon nga lang, iyong mga taong hindi ka kilala, iba talaga ang iisipin at tatawagin ka talagang Dao. Dao Ming CHIE!!!!!!!! Ahahaha!!!
ako: Maraming salamat sa pagpapaalala. Hinayupak na F4 yan hehe. Tuloy nagpakalbo ako nang wala sa oras. Pero masaya naman ang semi-kalbo, tipid sa shampoo. So salamat na rin sa kanila hehe…
I'm saying i love you againAre you listening?
Open your eyes once again
Look at me crying
ako: Hayop sa soundtrip. Kelan ka pa nahilig sa pinoy music?
x: Naka-random lang ‘yung setting ng player ko.
ako: Labo, hindi ka mahilig sa OPM. Pinapalitan mo pa nga ang radio station kapag local ang kanta. Lagi nga tayo nag-aaway diyan.
x: Wala lang…
ako: …
x: Balita sa iyo? Sa lovelife? Kina Hafitz?
ako: Ayon, kamukha pa rin niya si Super Mario. Ako naman callboy na ngayon. Every night marami bookings.
x: Ulol! Iyong seryoso?
ako: Ano ba talaga sadya mo?
x: I just want to apologize sa nangyari before. Inaamin ko bata pa ako at tanga ako noon.
ako: ‘Tagal na kitang pinatawad.
x: …
ako: …
x: ‘Di mo sinagot ang isang tanong ko.
ako: Alin?
x: Lovelife.
ako: Single.
x: Bakit naman? La ka bang nililigawan or crush man lang?
ako: Kailangan mo pa bang malaman?
x: Fine. Puwede ba tayong magkita?
ako: Para saan?
Sa dinadami-dami ng nakilala
Sa’yo lang ako nagkaganito
Walang kapantay, walang kaparehas
Walang kasing-lakas ang tama mo
ako: Nakakagulat naman yang music mo. Biglang hina, biglang lakas. Patayin mo na lang.
x: Ah ok, sige. Kita tayo. Kuwentuhan. Treat ko.
ako: No, thanks! Dito na lang tayo usap sa phone.
x: Actually Chie, kaya ako…
You know me well,
You know it's wrong
Then what is it you feel?
You hide behind those perfect smiles
It won't fool me, cause you already did

x: Ay fucha! Kaw naman ngayon nagpapatugtog!
ako: Hehe… Ano sabi mo? ‘Di mo yata natapos.
x: Sabi ko kaya ako tumawag kasi… kasi… k-k-kase..
ako: Kasi?
x: I want you back.
ako: …
x: …
ako: Bullshit.
x: Seryoso ako.
ako: Huwag kang magsinungaling. Ano ba talaga ang reason?
x: Iyon talaga. Namimiss kita. Namimiss ko tayo.
ako: Kasinungalingan na naman. One more and I’ll end this conversation.
x: Fine! Niloko ako ni boyps at gusto ko gumanti. Tingin ko ikaw ang perfect accomplice dahil sa selos na selos siya sa iyo.
ako: Tangina, ayos ka rin ano? Matapos mo kaming pagsabayin at piliin siya over sa akin ay nakuha mo pang planuhin ang ganito? Puta ka! Hindi ka pa rin nagbabago. Lalo ka lang naging selfish!

Ang nakausap ko ay mas malala pa sa isang zombie dahil ang puntirya niya talaga ay puso. Binagsak ko ang telepono at hindi ko alam kung dapat ko pang ipagpatuloy ang nabitin na panonood. Sapat na siguro ang isang horror experience sa isang gabi.

46 comments:

Ava Lyka said...

yey!first ako 2 comment =)
*clap*clap*clap*
another magnificent entry crush ako. =p
entertaining.
kaya lang r-18.ang lutong ng PI.LOL
ang sama naman tlga ng gnawa sau.
wag mo na balikan un! LOL
i love ur attitude sa conversation nio ah.hayepp!! =p

bravo bravo!

mafia princess said...

shet. true story?? haha. hindi ako yan.. hahaha..
very nice literature, true story man o hinde.. c: winner talaga eh!
'talentado' din yung kausap mo no daig nya si yagami light!

mabuhay ka chie.. c: galeng galeng!

giveaway tong post mo.. ihanda mo na 1K mo.. racing na yan! c: ngat dude!

ayzprincess said...

kung totoo to. parehong pareho tayo. ganyang ganyan din ang drama ng ex ko pagkatapos akong lokohin e lakas ng loob na balikan ako para magkadahilan daw syang iwan ang girlfriend nyang pinalit nya saken! tignan mo nga naman ang kapal ng mukha!

pero taas ang kamay ko sayo krass! ikaw di nakipagkita.. ako'y tao lang at sa glorietta kami nagdramahan. :D

yan pala krass mo ha?! *selos mode*

ahahhaa. apir gurl!

neens said...

nice entry..

good for you for standing your ground...

ToxicEyeliner said...

xet.

bkt naman ganon.

i agree with ava... ok ung handling mo sa convo nio...

grabe naman... insensitive with everything that has passed? =(

pero super galeng mo...
ung iba, d pa rin kasi nadadala e... kaya saludo!

Vera said...

sad. ano ba to chie.
half hearted ako dito. ayokong magpakaipokrita

RJ said...

alam mo parekoy, pareho tayo ng storya. minsan din akong naging kaanib ng mga 'pindeho-boys' at makailang ulit na rin kaming nagdialogue ng ganyang 'i want you back' na yan.

nung binabasa ko yung story mo, feeling ko ay ako rin ikaw. pero mas matindi naman yang iyo. wahaha! totally bullshit. sana umoo kang magkita kayo tapos ininjan mo, tingin ko mas okey yun. hehehe.

Tisay said...

dudes, kupal naman yun. nasira pa movie marathon mo. zeus.

natawa ako sa sabi ni rj, dapat umoo ka at in-injan mo na lang. heheh!

trishie said...

darn it.
kala ko "happy ending". hehe. :D

hindi ka naman pala masyadong masama magalit chie.

napapa-puta ka lang naman. hehe. :)

P.S:
HABANG BINABASA KO TO, BIGLANG F4 NA KANTA ANG NAG-PLAY SA RADYONG PINAPAKINGGAN KO. HAHA. COINCIDENCE MUCH DAO MING CHIE? lol. :D

GODDESS said...

Dao ming chie! Dao ming chie! Dao ming chie!

ahahaha!! ampotah naman yung ex mo, insan... sabihin mo sa kanya hindi ka parang karinderyang bukas sa lahat ng gustong kumain... o, saang line yan! ha? ha? ha???

pogi ka kasi kaya may crazz syo si... yikkee!! ang mag-react dito, yun na! ahahahaa!!

nylehteb said...

sino ba talaga ang dapat katakutan? ang zombie o ang tao?

Ava Lyka said...

@goddess: hindi ako magrereak! hindi ako magrereak! hindi ako maGgrrreeeRREeeaaakk!!! LOL!!!

Ava Lyka said...

hayepp naman tlga. hinahabol habol parin. huwaw.
pa kiss nga jan! LOL!!!!

GODDESS said...

ayan, may nagreact.. nuninuninuninuu!!!

beero said...

pwede! i'm a fan dude. hehe. nakakapangilabot na lab stori.LOL. hanep ang mga linya, makapanindig-balahibo ika nga. give her one more chance. ikaw na nga tong hinahabol eh. kumusta naman ang galit mo sa F4? ahehe.

PoPoY said...

chrone. naguluhan ako. magulo talaga ako.kahit malinaw kong nabasa naguluhan pa dsin ako. sana maguluhan ka din sa comment ko hahaha. :)

kurisujae said...

ang lupit naman ni ex. P*TA!

chroneicon said...

@ ava - salamat crush. ok lang magreact ka! dali! haha!

@ mafia princess - salamat po. true story 'to. kumpleto ka na ba?

@ ayz - so hindi ako tao? haha...

@ neens - thanks, bisita ka palagi ah

@ toxic - siguro kilala ko lang siya talaga kaya alam ko na something was wrong haha...

@ vera - sorry naman =(

@ rj - cge pare. i'll take your advice kung may next time man hehe...

@ tisay - zeusmaryosep! haha.. kala ko pa naman horror na. un pala horror nga! haha

@ trishie - happy ending para sa akin iyon haha! ako nauna kay Dao! raaaaaaaar!!!

@ goddess - sang linya yan? hindi ako pogi! pogita pwede ba.. korni mode na naman ako.. sino nagreact? hihihi...

@ nyleh - magandang punto yan. ipagpatuloy mo yan kris! LOL!!!

@ beero - salamat idol! di na pwede ang FOTS sa story na 'to. at di na ko galit sa f4 hehe...

@ popoy - anong pinagsasabi mo? naguluhan ako haha

@ kurisujae - malupit talaga pare. buti na lang ung asawa mo hanggang text lang. ;)

Lyzius said...

daya naman...yung isang sagot sa entry na to nasagot ko na dati pa...huhuhuh...

at least alam ko na si dao ming chie

The Gasoline Dude said...

Tulad ng sinabi ko noon, tapos na ang panahon kung kailan lalaki na lang lagi ang me kasalanan at laging nasisisi kapag nagkaka problema sa isang relasyon.

Mariano said...

Ang ipinagpapasalamat ko lang eh hindi siya sa cellphone tumawag! Kung doon eh di wasak na ang cellphone mo ngayon! SUSMARIANO!!! Ahaha.

Alam mo boss Chie, may mga bagay na mahirap maipaliwanag, gaya ng kumbesasyon na ito. Ang sa akin naman eh... isang cheeseburger, isang fry, isang coke, saka isang sundae...

Joke lang.

Sa susunod na manonood ka ng mga huror, i-hang mo ang phone, patayin ang selpon, at i-off ang pager. Sagabal ang mga ganyang istilo eh.

damdam said...

sakto! mainit ulo ko sa mga pathetic, bitter(ocampo), selfish psychotic bitch ngayon! tae sila!
sila ang may kasalanan kung bakit kami na gegeneralize na walang kwenta at panira ng buhay o lipunan and so on..
leche sila.. pathetic

FYI: di ako galit :D iritable lang kasi..

(off topic ata ako)

oh well chie.. wag mo na lang pansinin.. sayang lang oras mo sa ganayang klase..

emoterang nurse said...

isang kanta lang ang katapat nyan sa sabado...hahahahaha

wanderingcommuter said...

magiging stealing na daw ang piracy kapag bumili ka may sisigaw ng: PIRATA! PIRATA! mamang pulis may NAMIMIRATA!

eh si mamang pulis naghahanap p ang hentai eh...

bakit ka galit sa dos? tsktsk!

skullmonkeysaroundme said...

nyahah! sarap ulitulitin basahin tong entry mo na to mare! natutuwa ako sa usapan nyu! dabest talaga!

UtakMunggo said...

“Putangina, jackpot!”

abay napakaforward naman ni girl. uso na ba ngayon ang ganyan? nauuna si girl makipagbalikan para lang pagselosin ang kabilang partido?

(kala ko kasi ako lang marunong niyan. ahhahaha)

ps.
ni link kita ha. wag magalit. papaluin ni nanay.

;P

lethalverses said...

ang lupit... syet, you really evolved GURL!!!! Kung hindi pa ito ang iyong kasibulan ng talento ay tiyak kong kakain ng bangkay sila Nick Joaquin...

grabe, ang galing...

at alam ko na ngayon ang sagot sa pakontes mo hehe...

linglingbells said...

horror nga yun. badtrip yun ah,

chroneicon said...

@ lyzius – haha, sagot lang ng sagot. malapit na!

@ gasul – tama ka diyan pare. apir!

@ mariano – haha! bago ko naman siguro ibagsak iyon mapapaisip ko. TING!

@ damdam – tama ka, sayang lang sa oras! hihihi

@ emoterang nurse – umpisahan mo ah! haha!

@ wandering commuter – hentai! hehe… bakit nga ba ako galit?

@ arhey! – girl, salamat! sana hindi mangyari sa iyo to!

@ utakmunggo – nakow! kung totoong ganyan ka… susmaryosep!

@ lethalverses – salamat sa pagpuna sa pagsibol ko haha. kulang pa rin yan!

@ linglingbells – haha, ganyan talaga buhay. haayyy

UtakMunggo said...

naku hindi, chrone. binabawi ko na. hehe maria clara talaga ako sa totoo lang.

birhen nga ako nang nanganak eh.

atchus!

mayel said...

Sheeeeesh! True story to??? Ang kapal naman nun!

Entertaining ang mga entries mo, as always. Mabuhay ka!

Espie said...

Ang gwapo mo talaga pare!!! para kang adobo binabalikbalikan.. Pero makapal din face nya ha?! Gagamitin ka lang pala!! Gagawin ka pang kubeta! Parausan ng sama ng loob..Kung kay sherwin gagawin iyon malamang ndi magdadalwang salita yung girl. Hehehehe...

antuken said...

sana nagpagamit ka na lang. at ginamit mo na rin sya. hahaha.

the world's really evolving. kala ko lalaki lang gumagawa ng ganito (ay ewan ko pala, di ko naman na-experience to eh, hehe)

nice post. parang short story. sali mo sa palanca. ;)

pb said...

kaya ayokong nag cocomment minsan eh..haha. ang dami. haha.

muling ibalik ba ang nakaraan nyo? ayus yan. ahihi.

parang nung huling topic natin, horror movies ah. haha.
sana makasama kitang manod nyan.. haha. ako naman kasi magugulatin... haha. alam kong magugulat ako pero nagugulat parin. haha.

shayleigh said...

TRUE TO LIFE? pambihirang girl un ah... sarap sabunutan!!! grrrrrr....

KATHANG ISIP? clap! clap! clap! ang husay!!!

gandang suhestiyon ni rj... i set ang date then indyanin... saya!!! hhehehehe.

WARVITT said...

ok lang yan pare, naranasan ko din yan. badtrip ka parin ba? ibuhos mo yan dito: http://warvitt.blogspot.com
the online kubeta.

gosh kinilig aku nung una sa story mu, pero kainis x mo. malamang baka x q rin un. jokee

jheyamhei said...

hanep!..lupet ng blog mo.hehe.
natuwa talaga ako nung una akala ko naman super kilig moments para sayo sabay "bitter" ang huli.kapal din ng girl ah.tigas ng face!..pero at least dahil sa kanya ang ganda ng nagawa mong post. ;)

chroneicon said...

@ utak munggo - buti naman at may maria clara pa na tulad mo sa panahon ngayon ahahaha...

@ mayel - true story. buhay na buhay ako!

@ espie - mukha na nga akong kubeta, ganoon pa talaga gagawing trato sakin. tsk tsk.. pero tama ka about sherwin hahaha..

@ antuken - naku, ayoko ng ganyan. ang katawan ko ay hindi dyaryo kung sino sino ang pwede gumamit.
palanca? haha, pwede ba tong story na to?

@ pb - *sambaaaaaaa*

@ shayleigh - hehe...

@ warvitt - salamat sa dalaw pare. ok ang blog mo kaso nasa work ako ngayon, mamya magbabasa ako

@ jheyamhei - salamat sa dalaw. balik ka palagi! hehe

wanderingcommuter said...

oo, hentai nga. libog ni manong!

ABA MALAY KO...hehehe

Dakilang Tambay said...

tsk tsk tsk..

naalala ko tuloy ang past ko..

mga tae talaga sila.

chroneicon said...

@ wandering commuter - d kasi ako nagbabasa. haha!

@ dakilang tambay - tae talaga! ahah

~ Dyilyan Dyosa~ said...

shet kapal ng muka ni ex! sob. super insensitive.

sarap sunugin ng mga ex. huhu.

chibineko15 said...

ang masasabi ko lang ay..


DI AKO ANG GIRL NA "X" YUNG NAKALAGAY SA CONVO.

what a MAN ENRICO!!

chroneicon said...

TALAGANG HINDI CHIBI!!!

pati ba naman dito ahahah!!

rangergurl said...

kahit 8 ang uwi ko, binasa ko ito! hahaha! wala sakit sa tyan, nakakatawa ang mga banat mo, kaya pala magkaibigan kayo ni toot! nyahaha! galing! pero hmmm... hearthrob ka pala! may nalaman na naman ako sa'yo! tara na uwi na! :D

napunding alitaptap... said...

feeling ko hindi mo na to mababasa, pero. . .hmmmmmmm, bad bad bad.

tsktsk, ambad talaga nya.