Wednesday, October 8, 2008

Wakasan


Sila sa mga makabagong Pip at Guy.
Kung si Clark Kent mayroong Lois Lane,
si Cyclops naman, ay may Jean Grey.
At kung ganito lang ang pag-uusapan,
mawawala ba eksena sina Peter at MJ?

Sa kanya-kanyang love stories, sila ay tanyag.
Hindi kaila sa kanilang mundo ang dalisay
na pag-iibigang sa isa't isa inihahayag.
Gamit ang kapangyarihan, kanilang naitutulay
ang mga panganib na sa kanila'y inilalapag.

Ang sa akin lang e, bakit iba ako sa kanila?
Isa lamang akong tao, karaniwan ang mga mata.
Ipinanganak sa mundo, 'di sa ibang planeta
Magpapakagat man ako sa gagamba,
sa mga suliranin ba'y maililigtas kita?

Ang tanong ko lang e, magiging tulad ba ako nila?
Maibabalik ang nakaraan sa buklat ng pahina?
May sapat na kakayahan sa bawat oras ipadama
ang kanilang presensiya sa oras ng iyong pag-iisa?
Mali. Isang pagkakamali ang dito ay umasa.

Pangarap na lamang, maihambing sa mga bida.
Hindi kita kayang ilipad kung saan nais pumunta.
Sa aking mga mata, ang lumalabas ay muta't luha.
Pangal ng arachnid, ako ay nangangamba.
Ngunit kung iyong iisipin, higit ako sa kanila.

Iyong suriin at sa obserbasyon ko ay tutugma.
Ang mundo kesa pag-ibig, sa kanila mas mahalaga.
Normal lang ako at kung iyong kinakailangan,
isang text lang at ikaw ay aking pupuntahan
Ako ay tunay, sila ay kathang-isip lamang.

Ikaw na Sue Storm ng nauunat kong buhay,
tinanggihan mo ang tulong ng aking mga kamay.
Sa halip, tinungo mo ang mga bisig ng lumbay
at ang tanging magagawa ko ay sumubaybay.
Ito ang salaysay: poot, hiwalay, bati at away.

Naisulat na ang pagwawakas ng komiks na ito.
Nahigitan pa natin ang labanang Xavier at Magneto,
At marami pa akong pupunuhing pahinang blanko
kaya't ito na ang huli at 'di maiiwastong yugto
ng isang nangarap na maging higit pa
sa isang superhero.

Paalam.

35 comments:

The Gasoline Dude said...

Awww. Parekoy, ganyan talaga ang buhay. We cannot really have it all. Maybe it's not really meant to be.

Kung sino man ang inaalayan mo ng tulang ito, sana maging masaya din siya kahit wala sa piling mo. Such a big loss for her also. Hindi niya matitikman ang pagmamahal ng isang Super Jollibee. *LOLz*

Idaan na lang natin sa inom 'yan! Hehehehe.

lyzius said...

isang tagay sa tagumpay!

tagay nga lang katapat nyan...

Axel said...

Andito naman ako upang magpaligaya sayo, hatid ang sarap na dulot ng aking mainit na dibdib... lolz...

Pag-ibig ay sadyang mahiwaga at puno ng suliranin...

Love really makes the World Go Around... hehehe

UtakMunggo said...

share ko lang:

sabi nila, wag raw nating hanapin ang ating "ideal mate", dahil kapag natagpuan na natin sila, chances are naghahanap rin sila ng "ideal mate".. at hindi tayo yon.

masaklap ang kinahahantungan nilang mga nilalang na nabubuhay sa pantasya, na ang akala'y totoo lahat ng kanilang nababasa sa fairy tales.

magiting ka't sinubukan mong maging "superhero" para sa kanya.. sayang at mahirap gisingin ang taong hindi naman tulog, nakapinid lang ang mata.

PoPoY said...

awwww...

lablayp...

tsk tsk. hirap nyan.

yfur porsche p. fernandez said...

Ayus na ayos a..

Leyn said...

gumaganon!

lashing hero ka naman a.

womanwarrior said...

superhero ka naman ah. at ang super power mo ay nasa puso. nakita ko yan sa pagbibigay mo ng tulong at oras sa mga kaibigan mo.

hindi ka kathang isip lang. yan ang kalamangan mo sa mga superheroes na nababasa lang sa komiks at napapanood lang sa pelikula.

(pano yan? me burger with cheese ba si lola?) :)

lethalverses said...

ayyy ang henyo ng makabagong blogosperyo... si idol CHIE!!!

Oo nga, lashinghero ka naman koya chie. at ikaw ay superhero sa aming mga prendships mo!


go gurl!

pb said...

isa lang masasabi ko... gusto kong lumipad pero ayokong maging super hero. hihi.

move on chie... haha. joke lang.

ToxicEyeliner said...

chie...

para mapasaya kita...

bibigyan kita ng superhero na regalo. secret kung ano un.


lalalalala.



pero seryosong usapan...

andito pa kami. si axel. ang dibdib nia.


teka,seryoso na...

hay. alam kong khit payuhan kita, alam mo na rin 'yun at mahirap lang gawin kasi emotions ang nainvolve.
isipin nalang natin na u did your best . . . hindi lang talaga kaya ...

gah. anhirap naman magsalita kasi alam kong alam mo na ang mga dapat gawin. support lang kelangan mo at eto msasabi ko, LILIPAD KAMI KASAMA MO FOREVER.yeboi. may cape man ang costume o wala!

GODDESS said...

ang ganda. naaliw akong basahin siya.pero ramdam ko din yung pait.

superhero ka, chie. superhero ka sa paningin ng pamilya at mga kaibigan mo, pati na rin sa mga iba pang nagmamahal syo. pero higit sa lahat, superhero kita... sa lahat ng tulong, encouragement, pakikinig at pagdamay na ginawa mo para sakin, siguro nga kulang pa ang term na superhero para ipaalam ko syo kung gano kita naaapreciate.

take care.

luv you, chie!

napunding alitaptap... said...

ang gandaaaaaaaaaaaaaa, panaloooooo. . .

haaaaaaaaay, bakit ba ang gulo-gulo...kung sinong anu, yun pa tuloy yung...hmmmmmmmmm...

haaaaaaaaay.misyu chie.misko na din ang blogosperyo

flyfly!

chroneicon said...

gasdude - mahirap ipaliwanag pero ganito talaga dapat. taena! kelan ka ba uuwi? inom na 'to! LOL!!!

lyzius - oo nga. libre mo naman kami :D

axel - ayokong malunod... sa kabaitan mo hehe...

utakmunggo - true yan madam. papasuin na ba natin ang mata? joke hehe...

popoy - nakaka-relate ka ba poy? hmmm...

yfur - ang hirap itype ng whole name haha! salamat sa pagdaan. enjoy! :D

leyn - si gasul at lv, ganito rin dati ah! hihi...

womanwarrior - awww... tats naman ako lola. napangiti ako dito. pwamish :)

lv - so kelan na tayo iinom? happy horse na naman ba? baka ikaw pa awatin ko LOL!!! joke lang koya

pb - gusto mo lumipad? tulak kita sa bubong tapos may kutson sa baba, kaya? hehehe...

toxic - actually logic ung umiral kaya ganito. teka, ano naman iyong regalo mo?

goddess - naku, alam ko rin naman na parehas tayo ng gawain pagdating sa mga kaibigan. mamat and labshu too!

n.a. - aba at ngayon ka na lang napadalaw. kamusta ka naman?

Cutedanger said...

superhero ka chie isang super hero na malandi.. =) magneto ah este malandito.. hehehe :D

lethalverses said...

lv - so kelan na tayo iinom? happy horse na naman ba? baka ikaw pa awatin ko LOL!!! joke lang koya

tae ka!!! ikaw ang aawatin ko! kahit kelan nde ako nangaway ng mkhang bading sa kabilang table, naka white long sleeves sa kalsada, at mga koreano sa starbuck's!!!

pensucks said...

andrama :(

april said...

napakaganda ng iyong obra..magaling kang makata.:)

ToxicEyeliner said...

lalalalalallarge

chroneicon said...

cutedanger - tae ka CD, humanda ka bukas! iyon ay kung magpapakita ka, wahahah!

lethalverses - hindi nga! at wala akong ebidensya para magpatunay. wala! walaaaa!!!

pensucks - sorry naman bossing :(

april - maraming salamat po sa pagdaan at pagbasa. enjoy po kayo :)

toxiceyeliner - anononononono?

Anonymous said...

Malamig na beer at mainit na sisig na ang katapat ng mga ganito. Hehe.

Luis

ps.
Ala na sina Spiderman at MJ. Pati sina Cyclops at Jean Grey.

Urban Princess said...
This comment has been removed by the author.
Urban Princess said...

Kung kanino mo man dinededicate ang poem na yan, I'm sure she doesn't know what she's leaving behind...

lethalverses said...

HOOOOOOY!!!!! MAGPAPALIT NA NG PANGULO ANG US, WALA KA PA DING BAGONG POST!!!!!!!

sinasayang ang talento... tsk tsk tsk... puro kasi pambababae!!!!

napunding alitaptap... said...

busy e.

ayun, magandang komposisyon talaga.. .

Urban Princess said...

wish ko talagang makapag sulat ng poem na tagalog... mahirap sa kagaya kong bisdak (laking bisaya) ang sumulat ng tagalog na hindi dumudugo ang ilong ko... post ka pa! I love your poems...

linglingbells said...

tsk tsk.. iba talaga ang nagagawa ng pag-ibig at superheroes..

na-enjoy ko yung tula mo.. :D

chroneicon said...

Luis - salamat bosing. kilala ba kita? hmm... feeling ko naman magkakabalikan pa sin MJ at Spidey. kailangan lang nilang maghiwalay dahil sa actions ni Pete sa Civil War.

urbanprincess - haha. alam nya siguro, tanga lang siya :D browse lang po kayo sa baba, dami pang poems dun ;)

n.a. - mamat po at kahit busy dumaan ka.

linglingbells - welkam bak! salamat sa malareglang dalaw :D joke lang

lethalverses - anong pinagsasabi mo? napacomment tuloy ako sa blog mo wahahaha...

Kirk said...

malungkot. bakit may ganyan? dahil ang kasunod niyan ay labis na kalungkutan na susundan ng isang payo ng kaibgan na magbibigay ngiti sa mga matatamis na labi.

Ava Lyka said...

mahusay.
wala kang kupas.

eiyelle said...

ang tagal kong hindi nakadalaw!
at...broken hearted kb? hahaha..

yaan mo na..siya ang nawalan hindi ikaw..weee!

stay safe.

napunding alitaptap... said...

eto pa din?

kamon!

QuestionMike said...

You can't please everybody, sabi nga. Kung iniunat mo man ang iyong kamay upang tumulong, at hindi nila pinansin, isiping lagi IT'S THE THOUGHT THAT COUNTS!

chroneicon said...

kirk - mas mainam ang payo kung may kasamang alak at yosi. padala ah? ahihi..

eiyelle - buti may dalaw este napadalaw ka :) safe as a safe...

n.a. - may bago na no!

questionmike - oo nga pre. ganun tlga buhay. haay

shayleigh said...

Lagi namang mayh HELLO matapos ang PAALAM... marahil di lang talaga siya ung nalalaan para sa'yo. Hindi man ikaw ang superhero sa buhay niya... superhero ka naman sa buhay ng bawat taong nagiging malapit ka at nakikilala ang tunay na ikaw. Lamang ka pa nga sa superhero... dahil ayon nga sa ibang nagkomento, ikaw ang realidad sa mundo.