Thursday, August 21, 2008

bukas, ang araw ng kasinungalingan




bukas, manganganak ng mga sinungaling
at sila ay magugulat sa kanilang sarili;
sa nagbabalatkayong lunas, dalangin
at sa pag-asang 'sila' ay mapapangiti.

bukas, tayo ang may iuuwi
dadalhin natin hanggang sa pag-idlip;
mga pagkukunwari ng buhay natin
at ang unti-unti nitong pagsilip.

bukas, kung saan tayo'y makikibahagi
sa katotohanang mata'y nakapikit;
sa hiram na sandali sa mga landas
na mumulat sa katotohanang kay sakit.




Sa mga pupunta bukas, maraming salamat sa oras na ilalaan nyo para sa kanila.

Maihahanda lang natin ang sarili natin sa pagpunta, ngunit hindi mismo sa pupuntahan.

16 comments:

Anonymous said...

the beauty of white lies

see you tomorrow.. mag babaon ako ng lakas ng loob.. iiyak na ako sa bahay pa lang..

Anonymous said...

ang lalim. pasensha na't ilang beses ko binasa. hehehe. cguro ang makikita natin bukas eh parte lang ng napakaraming sawing palad na wala doon. sana'y matuwa sila sa mumunti nating alay.

The Gasoline Dude™ said...

I think this is one of your best poems so far.

I'd be with you guyz in spirit.

Anonymous said...

whoah.. that was deep... don't know what's with tomorrow though,... but just remember no matter how you want not to see what lies ahead... you'll still pass through it one day at a time...

UtakMunggo said...

san ba meron bukas? nawa'y gabayan kayo sa inyong mga hangarin, at bigyan kayo ng katatagang harapin kung ano man iyong dapat n'yong harapin.

wanderingcommuter said...

tatlong beses ko binasa ito... iniisip ko pa rin ang konteksto. pero aside from that beautifully written. very ctachy and intriguing

molestedtwineggs said...

sa kawanggawang pinapakita
sana maging huwaran kayo
sana magiging halimbawa
sa mga kabataan at pulitiko
na ating bansang kawawa...

patnubayan kayo ng Lahat

chroneicon said...

damdam - nawa'y bigyan tayo ng sapat na lakas sa pagpigil ng nararamdaman sa mga hindi maiiwasang mga tagpo.

arhey - sana nga matuwa sila at siguraduhin nating hindi dito matatapos ang gagawin natin bukas.

gasdude - salamat. sana kasama ka tom. alam ko namang pupunta ka kung pwede lang.

neuroticsister & utakmunggo -

mayroon po kaming gagawing outreach sa PGH. sa wards 9 and 11, kung saan nandoon ang mga kapatid nating kulang sa pambili ng gamot. nais naming kahit papaano'y matulungan sila. salamat sa pagbibigay ng lakas ng loob.

wandering commuter - padi, napaagui ka hehe. iba ka sa muya saaga!

mte - maraming salamat. isa ka sa mga taong malupit ngunit may puso :)

womanwarrior said...

tama ka, chie...

madalas, ang mga teacher pa ang mas maraming natututunan sa kanilang mga estudyante...

at kahit kelan, hindi pwedeng lumapit tayo sa apoy na hindi man lang tayo naiinitan...

at madalas din, iba ang nararanasan natin kesa sa ating inaasahan...

this is going to be an emotionally-charged day for all of us. but life has been, is, and will always be a struggle. may God prepare us for the inevitable...

God speed us on our errand of kindness...

Rio said...

bait mo naman...
God bles=)

sana ay ituloy mo yang mga gawan mo na yan. bibihira nalang ngayon ang taong may pusong katulad mo...=)

Anonymous said...

nakakatuwa naman ang inyong hangarin. god bless you! sagot ko na ang panalangin!

chroneicon said...

womanwarrior -

"at kahit kelan, hindi pwedeng lumapit tayo sa apoy na hindi man lang tayo naiinitan..."

gusto ko po itong linyang to. tama kayo. hindi smooth sailing ang buhay natin. nasa sa atin yan kung paano natin huhulmahin ang isang luwad.

rio - mapalad ako at nakatagpo ako ng isang pamilya na kahit ang mga miyembro ay mula sa iba't ibang mundo ay nagkakasundo sa ganitong gawain. sana makasama namin kayo sa susunod na outreach.

prinsesamusang - salamat! ipagdasal na rin natin na sana ay marami pa ang gumawa nito. sana ay makasama namin kayo sa susunod na outreach.

Anonymous said...

nursing ba ang course mo chroneicon?

chroneicon said...

neuroticsister - nope. accountancy po :)

HyperBaluga said...

Kaibigan Chie... http://bananakids.blogspot.com
Me tula akong nailathala na nawa'y tulungan mo ako na maipaalam sa kaduludulhang sulok ng Blogosperya.... ang kwento ng Triumvirates.... salamat kapatid..

GODDESS said...

ang baet baet talaga ng insan ko.

pakiss nga!