Wednesday, November 26, 2008

A Goddess & An Icon


Isang madilim na kahapon
Pilit kong tinatakasan
Tumakbo papalayo
Upang sa kanyang bisig
ay magsumamo

Simpleng pagmamasid ang aking hiling
Nakapaligid ako sa iyo na tila hangin
Kailangan lang ay iyong pagintindi
Upang tayo ay mapasaatin

Lumulutang sa alapaap
Isip kong ligaw
Hindi makausad
Sa sulok na kinasadlakan
Siya ang tanging pag-asa
Upang lumipas ang lumbay


Ilang dipa lamang ang layo
Milya naman ang mga puso
Napupunit kapag kapiling ka
Gayun din kapag wala ka

Hindi ko alintana pagsuyo ng iba
Tanging hiling ko lang
Pagsinta niyang bukal
Hindi man arok ng isipang payak
May hihigit pa ba sa pagibig na wagas?


Ngunit ang sagot ang siyang bugtong
Sumasapi sa kalat ng mga tanong
Kailan ba magtutugma ang mga saknong
Upang ang istorya ay sumulong?

Ramdam ko ang iyong pagsusumamo
Ngunit di kayang dinggin iyong pagdulog
Puso at isip ay nagkaisa
Tanging nais makapiling ay siya


Ako sana’y iyong mapatawad
Walang dapat ihingi ng paumanhin
Kung pagsinta’y hindi masuklian
Pagibig na kusang ibinigay
Pagka’t hindi maaaring dayain
Walang kapalit na hinihintay
Ang sariling sa kanya lang bumabaling.
Mga nararamdamang walang tulay.

13 comments:

The Gasoline Dude™ said...

Anong landian meron dito? *LOLz*

Babyface at Toni Braxton, kayo ba 'yan? Hehe. = P

Anonymous said...

ayun, o! it was nice working with you, cuz! ang saya!!!

pero napansin ko lang.. bakit hindi updated ang link ko sa blogroll mo?? aber???

gagawan ko to ng english translation tapos post ko din sa site ko. hihihi!!

@CRAZZ: wag ka na magselos. next time, tayo naman ang gagawa ng tula. at yung satin, lalagyan na natin ng tulay.. nyahahaha!

ayzprincess said...

ang ganda!!

ang bittersweet ng dating.. ahihih..

kuletz said...

wow ang galing galing naman!!! ang danda!!!

UtakMunggo said...

bago ang every all, offtopic: chiecharon, i hab an asayment por yu. wear anti-tunaw gear before going to : http://purokareklamowalakangkwenta.blogspot.com/2008/11/pilipinas-kong-mahal.html

xXx

bakit ganon? walang tulay. sayang at di natuturuan ang puso kung sino ang iibigin at pahahalagahan. e di sana ngayon sinasayawan ako ni george clooney gabi gabi nang naka-brip. tsk.. hindi ko lang kasi maturuan ang puso ko. (MAY GANON?)

eh kung hindi kayo magpinsan ni dyosang goddess iisipin kong may something between the lines, over the lines and under the lines na rin dito.

Anonymous said...

awww!!! ang lungkot naman...
bakit ganun?
pede ding awitin!!!
ang galing nyo ni hipag chie...

Kirk said...

oh noh! ang ganda ng tula. pasok na pasok ang mga sagutan. straight to favorites!

PoPoY said...

taragis akala ko sa MUSIC INDUSTRY LANG MAY COLLABORATION, meron din pala sa blog. taena asteeg!!!!

chroneicon said...

gasdude - naman! di hamak na mas maganda si goddess kay babyface haler?!

goddess - sorry naman huhu... updated na :D dali post mo na ung english ver. and talagang dito pa kayo naglandian! wahahaha

ayz - mamat! :D

kuletz - mamat din. feeling ko makakagawa ka rin hihi...

utakmunggo - naman. graduate na nga may assignment pa huhuhu... pwede naman turuan ang puso e. kaso nga lang wala silang utak ahahah!!!

shayleigh - hipag? awitin? lapatan mo dali hihi

kirk - salamat fafa. aym tats naman

popoy - elo idol. salamat ah? ba't di ka nagpakita samin nung cs? huhu

Anonymous said...

nakakatuwa, at nakakalungkot.

nakakatuwa, ang ganda ng pagkakasalaysay, maganda ang pagkakaayos ng mga salita.

nakakalungkot, ang tema ng post mo, but still maganda.

^_^

Anonymous said...

basta nga ba't hinahayblad ako ikaw ang takbuhan ko para magbasa ng mga tula mong pampanosebleed. =) hehehe! pero ayos. makatang makata ka pa rin! mabuhay ka idol!

chroneicon said...

kuwentuhan - salamat naman at naaliw kayo

arhey - teka, si sherwin yata ang tinutukoy mo

Anonymous said...

国外聊天室你懂的 , 国外聊天网站 , 国外免费聊天室 , 午夜在线聊天室 , 免费聊天室你懂的 , 成人聊天微信群 , 成人视频多人聊天室 , 聊天室互动小游戏 , 互动聊天app , 微信聊天互动游戏