Tuesday, August 5, 2008

Kapag Nalasing Ka Sa Usok, Paano Ang Hangover Mo?


nararapat ba na ako ay magreklamo?
isa lamang akong umaasa na
mababaluktot ang katotohanan.

kadramahan…

hindi mo na mabilang kung ilan
ang mga katulad ko
na pansamantalang nagbibigay
sa iyo ng kaligayahan;
ang mga katulad ko
na permanenteng umaasa
iyong babalikan.

kahangalan…

umpisa pa lamang
ay katapusan ko na;
pansamantalang pagkalulong
sa piling ng ilan sa iyong mga daliri
at sa iyong labi na mala rosas.

lintik ka, lintik ka!
sa bilis ng iyong pagsawa.
hindi ako balat ng saging
na itatapon na lamang
kapag wala ka ng makuha.

kamulatan…

kailangan ko na lang tanggapin
na ako ay isa na lamang upos
na wala nang kakayahan
na magbigay sa iyo ng usok
na hanap-hanap ng pagkatao mo.

katapusan...

isang sigarilyo na dati'y
malakas ang baga.
ngayo’y naliligo sa ulan
dulot ng 'yong pag-iwan sakin.
isang upos na patay na…




ngunit inaanod pa rin ng baha.


(nahalungkat ko lang sa 1,014 th page ng tickler ko noong college)

23 comments:

Anonymous said...

ang pag-ibig nga naman oo... :((

GODDESS said...

ayun! nagupdate din.

eto ang maganda syo, eh. matagal ka man walang post, panigurado namang ang mga lathala mo, eh worth the wait.

tingin ka sa tabi tabi... madami dyan. ang kailangan mo lang gawin, eh mamili. =)

Abou said...

kahit papano lumapat naman labi nya sa yo at minsan naghati sa init na dulot ng mapusok na paghithit he he

UtakMunggo said...

ang lagi ko lang sinasabi, mag-iwan ng para sa sarili. hindi yung todo-todo..

aanhin ang isang taong uubusin lang ang iyong tiwala sa sarili? dapat nga, kayong dalawa'y nakasakay sa iisang bangka, nagpapaanod sa iisang agos. at dapat pinagyayaman n'yo ang katauhan ng isa't isa.

sa isang banda, bakit hinayaang mangyari? sa kabilang banda naman, bakit may umabuso?

hayyyy... litanya na ito. pasensya kung hindi nakatulong o parang nagbubunganga ha, pero sana'y okay ka lang. :)

napunding alitaptap... said...

ayun! ahaha, kun gayun, napakatagal na pala neto..wahaha...

teka, promotion lan, maganda na ang bagasbas ngayon, lalo pag hindi weekends...ahaha, nagugulat nalan nga ako, it's not the old jologs beach we've known before.hehe!

yosi...haaaaaay, usok,eew! pero in a way, nakakamiss..ahaha!

flyfly!

The Gasoline Dude™ said...

Brokenhearted ka ngaun, Parekoy?

chroneicon said...

rangergurl - ay uu sister haha...

goddess - ay sus! nabola mo yata ako ahaha... pero di ako sure kung nabola mo nga. labo...

abou - tapos itatapon ka lang... buti na lang at ako ay natauhan hehe

utakmunggo - napakalalim nyo po mag-isip. kokey naman po ako ngayon. nadaanan ko lang ito nung hinahanap ko ang college id ko hehe.

n.a. - may mga butanding na ba sa bagasbas?

gasdude - hindi pare. masaya ako sa buhay ko ngayon :P

Anonymous said...

'stig. ngayon ako naniniwalang isa ka sa mahusay na manunulang nakilala ko.

miss na kita. pa-kiss ha pag nagkita tayo. ahihihi

napunding alitaptap... said...

adik ka...walang butanding dun!lunurin kita dyan e...ahaha!

lamu ba yun gumising ng deLara na dating mojofly? sa bagasbas din nishoot..at talagang yung beach ang naging usapan natin dito..

uy, namis kitang kausap! ahaha!

Gb.

ingat.flyfly!

Anonymous said...

...galing! damang dama ang emosyon..nadadala ko ng alon..
ayus lng po ba kung i-link kita?salamat!

Anonymous said...

overwhelming po ang pagbisita nyu sa aking blog..ayun! kumpleto na ang araw..salamat, salamat tlga!

Anonymous said...

ang galing mo naman...

Admin said...

Paano nga ba?

Well... As far as i know... nakakasuffocate ito... If not... Headache lang ang labas or syempre minsan nausea and vomiting...

Hehe!

Lets adventure na lang!

chroneicon said...

jeck - di mo ko kailangang bolahin. miss na rin kita. maxado ka kasing "busy" e. huhuhu...

n.a. - ay di ko pa nakikita. hmm.. punta nga ko dun sa december hehe...

eiyelle - maraming salamat sa pagbisita. na-add na kita hehe. balik ka ulit!

prinsesamusang - naku maraming salamat pero basahin mo blogs nina jeck. lethalverses, kokeymonster, kingdaddyrich, mariano atbp., baka magbago tingin nyo sa akin :P

richard the adventurer - nakakaadik ang usok pero alam mong kailangang tumigil dahil masama sa katawan mo

emotera said...

sa wakas may post na din...

Magaling!!
Magaling!!
Magaling!!
ever since magaling na talaga ang mga sinusulat mo...

Pagnalasing na sa usok kailangan na ng oxygen kaya dapat hinay hinay lang sa pahitit ng usok...:)

Mar C. said...

atleast sinusubo ang saging di ba? kung saging ka nga sa kanya eh panu kung unggoy? patay tayo jan.hehe

womanwarrior said...

ganyan talaga ang buhay...

minsan, ginagamit lang tayo...

pero naisip mo ba na minsan (o madalas,) nanggagamit din tayo?...

at minsan (o madalas,) mas una pa tayong nauupos sa sigarilyong ginamit at hinitit natin?...

Anonymous said...

ay naco. ako ilang beses na nag-try mag-stop.

at dapat nga, final stop na dec 2007. yun ang deal namin ni hubby. sabi ko payagan nya ako when i'm out on a gimik. hirap ako mag-inom na walang yosi eh.

pumayag naman. ang kaso, minsan dahil gusto ko magyosi, nag-aaya ako mag-inom. mas malaki gastos. hehe.

magandang tula.

chroneicon said...

emoterang nurse - at blog mo naman ngayon ang nilalangaw hehe... ay kachcheck lang. may bago na pala hihi...

pensucks - paano napasok ang saging sa usapan? hehe...

womanwarrior - yan ang gusto ko po sa inyo. kahit kalog ay may sense magsalita hehe... ganyan talaga ang buhay. mas mapupuna mo ang mga bagay kapag naranasan mo na hehe..

antuken - uy nagbalik na siya. pero balita ko sira pa rin ung gamit mo hehe. tama na ang yosi, masama iyan!

Anonymous said...

just dropped by from PM's... ang lupet ng blog mo... nice craft! i like the idea of doing poetry, i thought there are only few people left who appreciate this...

love is full of uncertainties...

sa pagbuga ng usok,
isama mo ang pighati,
ngunit sa pagsabay nito sa hangin,
alalahanin mo ang matatamis na sandali,

ang dating sigarilyo,
ngayon ay upos na lamang,
ngunit ang natatanging pagkakasindi ay ang pinagsamahan.

iaad kita sa blog roll ko ha?? hope to see you there!:-)

chroneicon said...

neuroticsister - thank you po sa papuri at sa iyong tula ngunit maraming mas malupit kesa sa akin.

marami dito sa blogosphere na gamit ang tula bilang sandaya. tingin ka lang sa blogroll ko. dami jan.

Anonymous said...

Pag nalasing ka sa usok, paano ang hangover mo?

Lutang ka for a day, or two.

chroneicon said...

taps - noong panahon na iyon, masasabi ko, sana nga ilang araw lang.

pero ngayon, oo naman! hehe