You can put lipstick on a pig. It's still a pig. – Barack Obama
Wala naman po iyan koneksyon sa mensahe ng post na ito. Gusto ko lang ilagay.
Gusto ko lang sabihin na may namimiss akong gawin. Ang magmahal. Okay, joke iyan. Seryoso, may namimiss ako. Ilang taon na itong nangyayari at para akong taong nasa Cloud 9 kapag nagiging bahagi ng mga ganitong bagay. Ayaw kong mawala ito sa aking sistema.
Disyembre ng taong 2006. Dito nagsimula ang ‘tawag’. Nasa kainitan ako ng matinong pagtatrabaho nang may matanggap akong email. Ang laman ay tungkol sa A Thousand Bears For Bicol project ng isang blogger kung saan ang ay nais niyang makaipon ng at least one thousand teddy bears na stuff toys para sa healing ng mga bata na napinsala ng bagyong Reming. Attached sa email ay isang larawan na nagpaluha sa akin noong araw na iyon.
Ewan ko ba, malapit ang loob ko sa mga bata. Pumunta ako noon sa Divisoria at bumili ng isang daang sari-saring teddy bears. Promise, kakaiba ang feeling ng bumibili ng mga bagay para sa mga batang hindi mo kilala pero alam mong malaking kasiyahan ang maidudulot nito sa kanila. At nagmukha akong Santa Claus sa jeep noong pauwi. Ikinalat ko ang email sa office at mabuti naman ang reception ng mga tao.
January, 2009. Sa suhestiyon ni Cyberlola, ang mga kasamahan naman niyang matatanda ang dalawin namin. At nangyari nga ang Golden Acres Outreach
Eh saan naman tayo ngayong taon? =)
6 comments:
ikaw ang organizer.. you tell us
lead us moses.. este chie pala! ahhah
wow such a noble pursuit. hope you can inform me of the next time para makasama naman ako.
since open for suggestions, pwede bang sa paws naman this year?
you are such a wonderful person with a good soul.
aun o!
@erlyn - paws? may website sila? check ko sana :)
@traveliztera- haha! lahat naman tayo. kailangan lang minsan may mag push...
nice... san nga ba? please let me know... :)
galing... ako maawain din sa mga bata.. but sad to say i dont have the courage to start a group. Taga san ba kau?
Post a Comment