Monday, March 17, 2008

Durugtungan


Tapos na ang iyong laban
Marami pa ang nasa digmaan
Darami pa ang katulad
Tatlumpung pisong nasilat

Plano Niya ang nangyari
Malinaw samin ang mensahe
Hindi kami magbubulag-bulagan
Hindi kami magbibingi-bingihan

Hindi mapupunta sa wala
Ang pag-alis ng katawang lupa
Imposible man ibalik ang oras
May magagawa kami sa bukas...





tugon sa

30 pesos na alaala ng pgh

3 comments:

lethalverses said...

nice. lupit nito. idol talaga chrone!!!

lethalverses said...

etong tugon ko:

kaya't sa iyong pagalis, pagpanaw,
tapos na ang iyong gutom at uhaw;
wala na ang pagkabusabos
at kahirapang sa iyo'y nakagapos.

salamat sa iyong kasaysayan
na bagama't ang inani mo'y kahirapan;
ay nagsilbing sa amin nama'y binhi
ng pagkamulat sa tunay mong dalamhati.

rangergurl said...

makata talaga :D