Friday, October 3, 2008

Lashing Heroes Reunion Concert!

Nangangarap lang hehe. Sino ba naman ang magkakaroon ng reunion chorva kung isang awit pa lang ang nabubuo at hindi pa nga nairerekord ito. Ni mga magulang namin hindi pa ito naririnig. Iwawasto ko lang ang pamagat ng post na ito. Patimpalak po ito at hindi konsiyerto.

The Lashing Heroes Reunion Contest!



Ang contest:

1. Tignan mabuti ang litrato sa itaas. GAYAHIN ITO (apat na tao lang) sa pinakamakulit na paraan na alam nyo! Hindi kailangan eksaktong eksakto pero dapat pag nakita yung litrato nyo, ang una naming maiisip ay “Aba! Parang ito yung litrato namin!”

2. Bawal i-Photoshop ang original na litrato. Kaya yung mga nagbabalak magpatong ng mukha, sorry LOL.

3. Ipadala ang entry/entries (oo, kahit ilan ang isumite!) sa lashingheroes@yahoo.com na may subject na “Reunion Contest”, kasama ang pangalan ng lahat ng nasa litrato.

4. Ang contest na ito ay mula ngayong araw hanggang November 7, 2008. I-aanunsyo ang nanalo sa November 8, 2008.

5. Ang mananalong litrato ay pipiliin ng mga Lashing Heroes at mananalo ng Php 1,000 GC at 4 na Greenpinoy Shirts (isang tshirt kada tao sa litrato)!

Eto ang isang sample:


Sali na!

Mabuhay ang Pilipinong Lashing!!!








WEIGHT! Ders Mor!!!

Kung inyong mapapansin, sa unang larawan ay may babaeng nakatingin sa puwit ng isa sa amin. Hulaan niyo kung kanino!

Clue: Nasa Singapore siya ngayon! LOL!!!

13 comments:

The Gasoline Dude said...

Nyahaha! Ngayon ko lang napansin 'yung babae. *LOLz*

Sa mga readers ni Chroneicon, kung mapapansin niyo, iisa ang T-Shirt niya sa parehong picture. Mukhang peyborit T-Shirt niya ito. O kaya 'yan lang talaga ang T-Shirt niya. *LOLz*

ToxicEyeliner said...

hula ko mahilig sa diesel ung babaeng nakatingin sa pwet nung lalakeng un


kawawa naman si chie... kelangan donatan ng tsheeeerrrrrt! hahahaha yang tshirt mo chie, kung hindi yellow e red.amp... JABI KUNG JABI!

ayzprincess said...

natutuwa naman ako at kasama kami ni damdam sa sample pichur..

sana lang ay di kami madisqualify sa actual contest :D

peram ng tshirt mong yan!!

damdam said...

ang gwapo at ganda naman ng nasa left most ng picture.. yung mga nakatayo! shet ang fabulous!!!!

sige, palag....

lol!

sasali kami!!! nag hahanap lang ako ng kasabwat!

beero said...

gusto kong sumali chie. lols. hmmm, makapaghanap na nga ng makakasama sa "foursome".lols

Abou said...

hay sino kaya ang masusuhulan kong magmodel kasama ako ha ha

Vhonne said...

kala ko ba bawal ang photoshop? eh sa sample photoshop na eh...

tingnan nio si chroneicon... walang pagbabago... naka mirror lng ung image nia kaya baligtad ang hawak nung bote at bbq...

ahaha...

damdam said...

natawa ako sa comment ni Vhonne... ahahahaahhahahaha!!!

Anonymous said...

binalik balikan ko talaga ang mga iki-noment sa pichur 1 at pichur 2...at oo, napatunayan ko:

-iisa lang ang kulay ng shirt ni chie
-mirror image nga lang ang posing nya
-me nakatingin nga sa pwet ng isang miyembro ng lashing heroes na nasa singapore na ngayon na ang pangalan ay LV,
-hindi ko kayang pumalag sa comment ni damdam!

-lyzius-

UtakMunggo said...

si gp... parang si.. si.. "owkey ka ba tyan?"

xXx

si lyzius ba ang pwet-stalker?

peace, lyzius.

GODDESS said...

dam, sali tayo! padala ko ng picture ko tapos i dikit mo sa picture niyo. hahahaha!! dapat may exception sa photoshop rule, ang layo ko kaya! hahahaha!

damdam said...

mare, bawal photoshop.. ma didisqualify tayo.. unless UMUWI KA NA DITO! para makasali tayo sa patimpalak na ito.. lol..

lethalverses said...

@lyzius - teka, baka "GD" ang ibig mong sabihin at nde "LV"?


kung joke itong comment ni lyzius, nde ko nagets... hehe slow lang.