Thursday, January 21, 2010

Lampa

Isa…

Dalawa…

Bilang niya ang malalaking butil ng pawis na tumutulo mula sa gilid ng kanyang noo pababa sa panga. Kalahating oras na rin siyang nakatitig sa karatula ng MMDA ngunit hindi nya binabasa ang nakasulat doon. Isang mahabang hithit sa sigarilyo, isang mas mahabang buntong-hininga. Paulit-ulit lamang ang tumatakbo sa isip ngunit hindi pa rin niya makabisa ang mga linya at makausad sa gusto niyang gawin. Magkikita sila ng kanyang kasintahan at nababalot ng takot ang kanyang aura ngayon. Naglalakad ang lalaki patungo sa kanilang tagpuan. Habang papalapit ay bumibigat naman ang kanyang mga binti na tila may humihila paatras.

*pagbabalik tanaw*

Mataas ang kanyang pamantayan pagdating sa pagpili ng liligawan. Marami siyang mga hindi pinansin at pinalipas upang mahanap ang babaeng nararapat sa kanyang pagmamahal. Matagal siyang naghintay. Hanggang sa nakilala niya ang isang binibini na sawa naman sa mga panloloko at matagal na ring naghahanap na makakasama na responsable, nakakatawa at malakas ang sex appeal. Una at huli. Inukit nila ang pangako na ito sa kanilang mga puso.

Sa isang piging, nagkaroon ng pagtitipon sina Empoy, Jose, San Mig at RH sa kanyang sistema. Noong gabing iyon ay mayroong hindi pagkakaunawaan ang mag-irog at nagkataon namang may isang dilag na nakakuha ng kanyang atensiyon. Sa isip niya e, lalaki siya. Kung hindi man normal, may karapatan siyang mambabae sa ganoong sitwasyon. Hindi niya sinisi ang impluwensiya ng alak sa kasalanan niya. Kahit wala na ang mga iyon ay muli siyang nakipagkita at nakipagkembelar sa bagong kakilala.

*katapusan ng pagbabalik tanaw*

Sampung minuto pa bago ang kanilang napag-usapang oras. Ito ang unang beses na maaga siya. Nangingibabaw at bakas sa mukha ang pangangamba. Hindi kaya ng kanyang konsiyensiya ang nangyari. Wasak na ang mga prinsipyo niya at ilang sandali pa ay babasagin naman niya ang puso ng mahal niya.

Lumuha ang kanyang kasintahan matapos ang kanyang pag-amin. Planado ang kanyang mga sunod na galaw. Inabot niya ang kanyang panyo upang kahit papaano'y matakpan ang mukhang ayaw niyang makitang lumuluha. Hinawakan nya ang kanyang kamay para iparamdam na nagsisisi siya at umasang maibsan ang sakit na kanyang naidulot. Niyakap niya ito upang mapigilan ang anumang tangkang paglayo o pananakit na maaaring gawin ng babae. Pinaghandaan niya ito. Ngunit hindi niya inaasahan ang maluha-luhang tugon ng dalaga.





"Ako rin."

10 comments:

The Gasoline Dude said...

Naka-relate ako. Ampf.

Welcome back to blogging, Chie Chie! Kitakits! :)

chroneicon said...

salamat gasul!

more to come!



sana lol

a.r.d.y.e.y. said...

kala ko namalikmata ako nung nakita ko yung blogroll updates ko. hehehe. kumusta tol? lapit na ko magkembelar....este umuwi pala. ehehehe.

molestedtwineggs said...

oi ikaw ay nagbalik..
di ko ma gets ang pag-ibig? bakit nga ba?
sana sila pa rin...

Traveliztera said...

awww.
=\

ayzprincess said...

wow...

ilaekit!!! simple pero harumpf!

chroneicon said...

@ardyey - magpakita ka paguwi mo! basketball!

@mte- hindi na sila :'(

@traveliztera - =\

@ayzprincess - aaaaaaaaaayz!

pb said...

yun oh... haha... huwow cubao... galing... *ginanahan tuloy akong magsulat* hehe. teka, anung ending?nag hiwalay sila? o nag bembangan bigla? haha.

ariel said...

ang galing, maikli pero buo sa utak ko ang istorya,.. idol na kita

ariel said...
This comment has been removed by the author.