Monday, May 5, 2008

Sagot sa Walang Kasagutan


Hindi ko alam kung paano nangyari pero natuklasan ko na lang na may kakaiba akong kapangyarihan.

Pawisan akong naglalakad pauwi ng apartment. Kakaiba ang nararamdaman ko. Huli ko itong naramdaman noong nakita ko sa isang mall si Madam Auring kasama ang kanyang boyfriend at sila ay naghaharutan. Nasusuka ako. Pagkarating ko sa bahay-paupahan ay agad akong tumungo sa lababo para sumuka. Nagulat ako sa lumabas mula sa bibig ko. Bigas! Sandamakmak na butil ng bigas! Olispagetingsyet! Gulat na gulat ako! Hindi ko maipaliwanag ang nangyari. Hindi na rin ako nag-abala pang alamin pa ang pinagmulan nito dahil palabas noon sa Cinema One ang Sige, Ihataw Mo! ng UMD at inabangan ko ang tanging paganap na kontrabida ni Vhong Navarro sa pelikula. Ang alam ko lang ay isa itong biyaya dahil alam kong makakatulong ako sa mga kapwa ko na mas nangangailangan. Sabi nga ng isang kaibigan ko, “ang anumang meron ka, kinuha mo sa wala". Handa akong ibalik iyon sa “wala”.

Bago ko gawin iyon ay kailangan ko munang pag-aralang mabuti ang pambihirang kapangyarihan . Pumasok ako sa kuwarto at isang matinding concentration ang ginawa ko. Pikit-mata na inisip ko ang mga butil ng bigas na lumalabas sa aking katawan at unti-unting kong naramdaman ang lakas at ang pagbabago. Fwurrrrt! Tangina, ang kati pala ng bigas sa puwit. Muli akong nagtangkang pag-aralan ang pambihirang kakayahan at nakuha ko ang pagpapalabas ng bigas sa aking palad.

Isang boses mula sa hindi nakikitang nilalang ang narinig ko.

boses: Magandang umaga, Boks!

ako: Professor X?

boses: Tanga. Nagtatagalog ba iyon?

ako: Eh sino ka? Bakit mo alam ang pangalan ko?

boses: ‘Di na mahalaga ang pangalan ko. Ang importante ay maipaliwanag ko ang nangyayari sa iyo. Tuwing anim na taon ay may taong binibiyayaan namin ng kapangyarihang tulad ng sa iyo. Inaasahan namin na ipagpapatuloy mo ang pagiging isang responsableng tao at mamamayan ngayon pa na may powers ka na. Tangina, huwag ka nga magkamot ng puwit!

ako: ‘Di ako makapagpalit ng salawal kasi baka silipan mo ako!

Hindi nagtagal ay nakilala si Boks at ang kanyang pambihirang kakayahan. Katulad ng inaasahan ng mahiwagang boses ay paglilingkod sa bayan ang kanyang inuna. Araw-araw siyang tumatambay sa mga palengke at doon ay namimigay ng libreng bigas sa mga tao. Nilibot niya ang buong Pilipinas at sa kanyang simpleng paraan ay nakalimutan ng bayan ang salitang gutom.

Subalit hindi ito nakatakas sa mata ng mga mapagsamantala. Mabilis lang at natagpuan nila ang ating bida na tila pagod na rin sa serbisyo.

mapagsamantala: Boks, gusto mo bang maging milyonaryo? Magagamit natin ‘yang powers mo.

Boks: Nakikinig ako. Ganda ng wristband mo ah…


Ngayon ay isa na siya sa mga kinasusuklaman ng tao. Nagbago ang kanyang mga prayoridad sa buhay. Nangibabaw ang tawag ng salapi laban sa bulong ng pangangailangan ng sambayanan. Bigla na lamang nawala ang libreng rasyon at pinerahan niya kasama ng mga sindikato ang Tokyo Tokyo at ang Mang Jimmy’s sa pag-supply ng bigas. Naging bingi siya at tila salitang Shyriiwook (uuuy hindi alam, click mo na!) na lamang ang mga hiyaw ng mga nangangailangan.

Wala pang anim na taon ngunit binawi na ang pambihirang kakayahan. Muli, naghanap ng kapalit ni Boks ang mahiwagang boses. At tulad ng dati, wala rin siyang kasiguraduhan. Wala siyang magawa kundi ang umasa na ang susunod na mabibiyayaan ay magiging tunay sa kanyang tungkulin.

=Wakas=

bata: Kuya Bodyi, bakit ganun ang ending ng story, ‘di maganda?

Kuya Bodyi: Dahil naniniwala ako na hindi na dapat maghintay ng isa pang People Power para lamang tumatak sa inyo ang mga aral sa kuwentong ito.

bata: Ano?

30 comments:

neens said...

hahaha! bigas sa puwit!

pEyt said...

waaaahhhh
eto na yung bigas na inabangan ko...eto na ang tatalo sa pagiging star ng NFA rice...
tinawagan nga pla ako ng IRRI kukunin ka dw nila...tatanggalin na nila lahat ng researchers nila..ahahah...
antagal mo pinagisipan ang bigas na to ah...ahahahah

shayleigh said...

ooohhh!!! That's a good story ei... entertaining saka kapupulutan din ng aral... :D

The Gasoline Dude said...

Mukhang tumataas ang level mo sa pagsusulat ah! Nalalapit ka na sa mga Omega-level dahil sa post na ito. Woot woot! = P

ayzprincess said...

oo nga chie! medyo socially relevant na ang post naten! nakngtinapa ka! capable ka pala sa ganito!! hahhaa

sasabihin ko sana, akala ko ba, jabe ang pangalan mo. hhhehee.. peace

ava lyka said...

Ahem. Everyone, meet me, i'm Boks.haha.

ang kul (cool) naman ng entry mo na 2.bigas galing sa pwet.nakakawala ng gutom, kakasuka nga lang.haha.

nice nice!

kingdaddyrich ♥ said...

hindi ka ba marunong magsaing?

hindi ba masakit nang lumabas ang bigas sa pwet?

hindi mo man lang sinubukang magpalabas ng bigas sa ilong?

sa tainga kaya?

shyriiwook ba ang salitang sinasalita ng ewoks?

at ang bata, siguro sa kanya napasa ang kapangyarihan?

chroneicon said...

@ neens - salamat sa dalaw, balik ka ah?

@ peyt - haha, salamat sa pag-abang

@ shayleigh - salamat naman, kuwento mo sa mga anak mo ah? :D

@ gasul - wish ko lang pare. marami pa akong kakaining bigas! oh my GAS! da cliche!!!!

@ ayz - dko rin lam na capable ako haha...

@ ava lyka - ikaw nga! ikaw talaga si Boks! laman tiyan din yan, haha

@ kdr - idol, salamat sa pagdalaw at sa mga katanungang hindi ko masasagot sa ngayon. malay mo may part 2. ay potek...

Anonymous said...

hello Chie! astig ng post mo na 'to. not a happy ending pero andun yung pag-asa... napaisip ako dun ng malalim. lol!

beth

arhey! said...

ganda! kaya pala excited tong si beth at todo ang promote! nyaha!

kurisujae said...

galing!
pasok sa kaibuturan pare.

ayos!

pb said...

sarap...
nagugutom tuloy ako. haha.
ayus toh. wag mag sayang.. kainin ang nakahain dahil maraming nagugutom at kapag kinain mo eh isipin mo nalang na mabubusog sila. ahihi.

Trishie said...

Yun sana ang sagot sa RICE SHORTAGE. hihi. :D

Chie, mukhang nosebleed yung bata ah. haha. epistaxis to the max! =P

RJ said...

pare, umiihi ka rin ba ng gasolina? makiki-igib sana eh.

chroneicon said...

@ beth - salamat sa dalaw at sa promotion haha

@ arhey - salamat sa dalaw, balik ka ulit

@ kurisujae - salamat sa pagmulat sa akin haha


@ pb - tama yan, ganyan din iniisip ko minsan

@ trishie - uhog lang siguro. bata pa e haha

@ rj - mali yata ang taong tinatanungan mo. si gasul un!!!

HaFiTz said...

mamasa-masa ba ang lumabas na mga butil sa bibig? Kung ganun ay baka lugaw na ang nailuwa! Hmmmm.... Kahanga-hanga...

ToxicEyeliner said...

loooooooooooollllllllllll you're officially the BIGAS MAN!!!

FerBert said...

magaling ka palang magsulat! *palakpak!

greyweed said...

Taena...anlabo non a....BIGAS???

Nako humanda ka nang pagkaguluhan at pagpilahan ng mga taga-NFA.

emoterang nurse said...

lhat na ata ng pwedeng ilagay sa comment nailagay na nila ah...

galing ng post... as in mapapaisip ka... parang related din dun s link na binigay mo...

hay buhay nga naman...si gloria ang tagal nya nakuha iyong kapangyarihan, inagaw kasi eh... sino kaya ang susunod??

kaw na si cguro yun...iboboto kita sa susunod....:)

GODDESS said...

hayup.. kakaibang level na ito! mabuhay ka chrone!

gasti said...

ang ganda naman ng kwento mo kuya bodjie..patalsikin si gloria!

lethalverses said...

magaling... naisip mo pa un?

gusto ko ang creativity sa paglalahad ng isa sa mga pangunahing problema na tila ba'y isa ng "fact of life" - ang korupsyon.

syempre, nariyan pa rin ang satire (dabest ang "ganda ng wristband" - tho mas ok sana kung "ganda ng nunal niyo), galing galing mo KUYA BODYI!!

kala ko bodjie ang spelling nun?

chroneicon said...

@ hafitz - napahanga ko rin si Super Mario. salamat naman

@ toxiceyeliner - haha, official talaga ah. wahaha!

@ ferbert - wow, galing sa isang alamat, im flattered

@greyweed - minsan ang buhay parang ang relationship namin ni Maria Ozawa, malabo...

@ emoterang nurse - ui welcome back! haha, boto mo ko ah? takbo nako! habol! korni

@ goddess - buhay na buhay ako! musta kayo ni crazz mo? haha

@ gasti - mamat! =D

@ lethalverses - what went wrong! ahaha, la ako masabi...

shayleigh said...

ahahahaha!!! sure! sure! ikwento ko sa anak ko... pero pag meron na ah.. sa ngaun, sa mga inaangkin ko muna... bwahahaha!!!

Belen said...

Tanghali na wala pa akong isasaing. Gutom na ang mga anak ko. Saan kaya ako makabili ng murang bigas?


ayaw pang pumasok comment ko..

linglingbells said...

okay yung story ah kaso medyo mabigat kaya nawindang yung bata.. hahaha!!

galing galing!! bigas na inuutot! :D

Dakilang Tambay said...

katawa. may bigas sa pwet mo? hahaha

kuletz said...

hahhaa i liked it!!!

nice one chie!!! keep up the good work!!!

pde yan isubmit mo sa wansapanataym hehehe meron paba nun??

chroneicon said...

@ shayleigh - mapang-angkin ka pala haha!

@ belen - madam maraming salamat po sa pagdalaw. balik po kayo ulit!

@ linglingbells - maraming salamat! mabigat nga pero sana tumatak ahah!

@ dakilang tambay - kay boks hindi puwit ko!

@ kuletz - hiraya manawari na yata ngayon e. wala nang wansapanataym ahahaha