Wednesday, May 21, 2008

Tagged!

La naman ako maisip na mga bagay na puwedeng ibahagi sa inyo sa ngayon. Kung kaya't naisipan ko na lang na gumawa ng paligsahan para mas makilala niyo ako.

Simple lang ang patimpalak na ito. Magbibigay ako ng sampung katanungan tungkol sa akin at sa blog ko. Sinisigurado ko sa inyo na ang mga sagot ay matatagpuan sa site na ito. Maaaring sa previous, current or future posts, sa comments, sa profile, o sa rectum ng blog ko makikita ang mga tamang kasagutan.

Sa ngayon wala pa sa bente ang posts ko kaya hindi naman siguro kayo mahihirapan maliban na lang kung super tamad ka.

Ang unang makakuha ng sampung tamang sagot at i-email sa chroneicon@gmail.com ay ang siyang mananalo. Sa mananalo, pasalamatan niyo si Steph dahil sa tag niya sa akin.

Siyempre kailangang may premyo. Sagot ko ang meal ng mananalo sa place of his choice pero up to Php 1,000 lang. Kahit ilan isama niya ay walang problema basta't hanggang dun lang ang mailalabas kong pera. Kuripot este mahirap lang ako. Kayo na ang bahala sa sobra. Kahit isama pa niya ang mga babaeng niloko at pinaasa ni ____________ ay okay lang. Kailangang lang nating ipasara iyong place dahil sa dami ng pupunta. ODKP!

Qualify ko lang na dapat ang preferred venue niya ay located or malapit sa isa sa mga lugar na ito:

1. Makati
2. Manila
3. QC
4. Ortigas
5. Pasay
6. Las Piñas.
7. malapit sa Lrt1 o Mrt stations

Wala po akong sapat na salapi para pumunta sa ibang isla o sa malayong lugar. (Puwede niyo namang sagutin ang pamasahe ko papunta-pabalik at accomodation or hintayin mo na lang na magkasalubong ang landas natin. Ahihihi...)

Sa ngayon hindi pa kumpleto ang mga tanong ko. Abangan niyo na lang sa susunod na posts. Hehe...

14 comments:

iheartmamon said...

eto ba yung contest, gurl? anoveyen. mukhang mahirap manalo. pa-demure ang beauty mo ah. pakshit ka. mukha kang buray! wahaha!

sige, sasali ako dito. yung 1,000, yung ang pang-date ko kay pam! hahahahaha!

damdam said...

ako rin kailangan ko ng pang date ang tagal kasi nung tosh ko.. sasali ako dito! gagalingan ko! 1k din to.. karir kung karir.. :D

bwahahaha!

The Gasoline Dude said...

Shyet! Inunahan akong magpa-contest! Makapag-isip na nga... = P

Pero sasali pa din ako dito. Hehehe! = D

marian said...

super tamad ako.. hehehehe

antuken said...

baket parang ang sinasabi nila eh 1000 yung makukuha nila. di ba ang premyo mo, date na 1000 petot ang ceiling ng gastos?

sasali din ako. hehehe

chroneicon said...

kasi susulitin nila ang 1k! waahhh... hehe

GODDESS said...

pinsan! sali ako ha... tapos yung prize ko, claim ko paguwi ko next year sakaling manalo ako... ha? ha? ha??

magpacontest rin kaya ko? tapos ang prize eh kahit anong maisipang pasalubong, dadalhin ko paguwi ko! ahahahaa!!

shayleigh said...

ako pede din bang sumali... tpaos pag uwi ko na lang ang prize if ever na manalo.. at since matatagalan pa un, i save mo muna para madagdagan at ma accumulate ang interest.. heheheh!!!

PoPoY said...

pede bang CASH na lang hahaha??

Espie said...

Pare feel ko lang walang mananalo dito! Ndi ako naniniwala na magbibigay ka ng premyo eh tapos 1 thousand pa!!! Paasa ka na naman.. hehehe...

kingdaddyrich said...

ang sowsy ah... isang libo rin yun.. aabangan ko rin to master chie.

chroneicon said...

@ espie - totoo to pare! minsan lang to sa buhay ko hehe...

@ popoy - hindi puwede bosing. libre chibog ang kondisyon up to 1k ang ceiling.

@ goddess - kasali lahat ng gusto! dali pakontes na! sasali ako sigurado!

@shayleigh - sureness! yun ay kung mauunahan mo sila sa pagsagot :P

sa lahat, posted na ang 10 questions!

lethalverses said...

HOY GURL!!! dinamay mo pa ko!!!!!!!

gurl, aba sosyal!!! himala, totoo ba to??? paasa ka naman, ikaw pa e KURIPOT ka??? wahahaha, sa mga babae ka lang galante!!!!!!!!!

...pero sali pa din ako

lethalverses said...

POTEK!!! hindi ko alam kung saan ka pinaglihi!!!!!!!!!

sure ka bang nandito sa blog na ito???