Friday, June 6, 2008

Guitar Hero


Katatapos lang ng basketball game namin at medyo pagod ako sa bakbakan. Bihira lang kasi ako ibabad ni coach at hindi ko kinaya ang sampung minutong playing time. Tiningnan ko kinakalawang kong cellular phone. Si Crush, nagtext, may sakit at maaga raw matutulog. Siyempre kinamusta ko pero hindi ko na kinulit para makapagpahinga naman siya.

Dahil hindi pa ko inaantok, kinuha ko ang gitara at sinubukang kumpletuhin ang pagbago ng lyrics ng isang sikat na kanta ng Vst & Co na naumpisahan namin ng barkada ko. Eto ang kinalabasan:

Walang iba pang sasarap
Sa pagkain ng saging
Sana ay di na magwakas
Itong movie ni Lapid

Saging natin
Ay wag na wag mong kalimutan
Pangako ko naman
Na lagi kong titikman
Magpakailanman

Ang isang piling
Ay pang maramihan
Hindi pang dalawahan
Kaya’t sa ating saging,
Tayo ay magbigayan

Ah-ha-ha, ang saging na ‘to
Ay isusubo ko, oh-ho-ho
Ah-ha-ha, isubo mo
Ang banana q’ng ‘to
ah-ha-ha-ha-haaa

Hindi tungkol sa kabaklaan ang lyrics na yan. Mahilig lang talaga ako sa saging dahil parehas sila ng tinapay.

Seriously aside, sa pag-iisa ko ay napagisip-isip ko na malaki pala ang impluwensiya ng gitara sa buhay ko.

Noong una, gusto ko lang talaga matuto dahil naiinggit ako sa mga kaklase ko na marunong tumugtog ng gitara. Hindi naman ako magaling kumanta kaya nandoon lang ako sa isang sulok, nakaharap sa pader at inuuntog ang ulo. Biro lang, siyempre.

Naalala ko pa noong una akong bumili ng gitara. Nasa kolehiyo ako noon. Pumunta ako sa Sta. Mesa dahil doon makikita ang mga de-kalidad na mga gitara sa Maynila. Dala-dala ko ang aking life savings na nagkakahalaga ng isang libo at limandaang piso. Pinigilan nga ako ng bespren ko dahil baka nahihibang na raw ako pero hindi nagbago ang isip ko. Sapat na iyon para makabili ako ng magandang gitara. At iyon nga, nabili ko ang pinakauna kong gitara na pinangalanan kong Luntian dahil sa kulay niya. Arf!

Noong umpisa hindi talaga kami mag-jive ni Luntian. Hirap ako sa kanya. Puro problema ang dinudulot nya sa utak at daliri ko. Matapos ang ilang libong pagpipilit na masanay sa kanya ay sumuko ako. Ayoko na. Binenta ko siya.

Panandaliang kinalimutan ko ang gitara pero sadyang nakakatuwa ang tadhana. Sinubukan ko muli maggitara (hindi ko maalala kung bakit). Bumili ako ng bago subalit tulad ng una, hindi ko siya masyado pinapansin.

Minsan nagkaproblema ako at wala akong makasama. Sandalan ko? Ang gitara. Alam ko nagtatampo iyan, pero tanggap pa rin ako. Kasama ko siya at hinahayaan niyang ibuhos ko sa pagtugtog at pagkanta ang saloobin ko. Hindi rin siya nawawala kapag umiibig ako. Tinutulungan niya akong dumiskarte at ipahayag ang nararamdaman sa aking irog. Hindi na mabilang ang mga okasyon na kabahagi ko siya.

Bilang ganti ay pinakita ko sa kanya na kaya kong suklian ang mga nagawa niya sa akin. Masunurin. Simple lang naman e, sumunod ka sa chords at hindi magiging sintunado ang kanta mo. Hindi nagtagal at natuto rin ako sa tamang pagkapa sa mga awitin ng buhay. Disiplina at determinasyon. Pinag-aralan ko ang mga dapat matutunan kahit na magulo at hindi ko maintindihan. Hindi nagtagal, unti-unti kong naunawaan at hanggang ngayon ay nagagamit sa ibang larangan ang mga leksiyon niya sa akin. Dahil sa kanya ay isa na akong ganap na musikero na puno ng disiplina at respeto sa sarili't kapwa.

Baduy ba? Ewan ko, pero bigla ko lang naalala ang mga magulang ko sa huling dalawang talata.

28 comments:

GODDESS said...

ayan! may bago... naku insan, frustration ko yang matutong tumugtog ng gitara. turuan mo nga ako.

minsan tlaga sa buhay ang kailangan eh yung disiplina at determinasyon. dagdagan mo pa ng dasal, eh on your way to success ka na nun.

=)

lethalverses said...

ang gusto ko ung pangil sa huling talata, na tumutukoy sa isang paghahambing sa mas nauna pang dalawang talata...

wow! guitar hero!!!! akala ko pa naman si beth ang guitar hero sa quiz.

teka, balita ko ISANG MABAIT na kaibigan mo ang kasama mong bumili ng bagong Zeny Bandilla mo?

...nabalitaan ko lang naman.

damdam said...

"...life savings na nagkakahalaga ng isang libo at limandaang piso...."

natawa ako dito!!!! ahahaha!!!

(pa shout ngapala dito)
lyzius!!! may isang sagot na naman!!!!

iheartmamon said...

astig. isang gitara pa lang ang nabibili ko mula nung nagtrabaho ako. luma na rin at hindi ganun kaganda ang quality. balak ko rin bumili ng bago, tapos yung maganda talaga. tapos, magpapaturo ako kay sherwin para naman matuto na ako talaga. tapos, pag marunong na ako, iuuntog ko rin ang ulo ko sa dingding. mwehehe. walang sense.

guitar hero ka? hindi ka ba pwedeng maging singing bee rin? jabi! :D

ayzprincess said...

ahahaha.. nakatulog ka rin.. bow! ahahaha..

sabe nila dapat daw akong magaral ng gitara, kasi mahahaba daw ang mga daliri ko, maganda daw.. ahihih.. pero wala akong hilig..

mas frustration ko talaga ang mag piano. ayun lang bow!

malandeEeee!!! :P

UtakMunggo said...

frustration ko ang matutunang mag gitara kaya eto.... "saaaaammbahiiiiinnnn"..

dati sinubukan ko rin kaya lang anchakeet chakeet, di nakayanan ng fat fingers. pianistang hilaw na lang ako ngayon.

iba kasi ang dapo ng guitara sa tenga. ewan. sa tuwing may nakikita akong magaling mag gitara naiingit ako talaga, parang gusto ko silang sakmalin at sabihing "anobeh, ba't ikaw lang ang may talent na ganyan?!!!!"

hehe. juk lang. oi pero "saaammbaahiin". ;P

ToxicEyeliner said...

nakaya ko mag-play ng piano, violin, konting drums, at banduria pero HANGGANG NGAYON HINDI KO PA RIN TALAGA MAKUHA ANG GUITAR!ahahahahaha...

i love the last paragraphs... panalo ka chie!~

pagmamahal ng isang bubuyog talaga o

beth said...

guitar hero...hahaha mas magaling ako mag guitar hero kesa tumugtog ng totoong gitara. lolz. ayun may sagot na ko sa number ano.

Ruthan said...

haha! galing ng lyrics ah..
natawa ko sa tinapay na may pusong tulad ng saging. :D

emoterang nurse said...

may post na pala...

gusto ko din matuto mag gitara kaso naman nasira ang gitara ng na ginagamit ko nuon...tpos, ngaun nman ung magtuturo sa akin naging busy...pero dhil dito sa post nainspired akong mag try ulit..hahaha

guitar hero...hahaha...isang sagot ito ah...

marian said...

hey.. nag emo ba daw sa gitara.. hehe pero seriously kahit ako gustong gusto ko mag gitara buti ka nga natuto ako hindi.. sob.. :(

hehe la lang ang papansin ko dito.. =)

RJ said...

tulad ng iba, frustration ko rin ang pag-gigitara. gustong gusto ko matuto pero sumusuko ako pag machakit na ang mga daliri ko. kaya hanggang ngayon ABCDEF pa rin ang alam ko. hahaha.

kaya ngayon, marakas na lang ako.

Lyzius said...

sana naman gurl matapos na ang pahula na ito bago pa ako lumisan...ahahahay! me sagot na ako sa isang katanungan...

Ava Lyka said...

I'm not sick anymore deer (opo, deer at hindi dear). =P
Guitar hero ah?
PLay ur guitar for me ok?
Mga 10 years from now.
hehe.

another nice entry.
hayep.
:)

V said...

naks. gamitin ang husay sa magandang bagay. sabi ko nga, hindi lang pangporma ang musika. madami kang matututunan talaga gaya nga ng mga binanggit mo.

The Gasoline Dude said...

Frustration ko din ang pagtugtog ng gitara. Marunong mag-gitara ang mga barkada ko nung college at lagi kaming nagja-jamming sessions sa parking lot ng UST. Tapos nire-record din namin ang aming mga pagkanta at pagkukulitan.

Kaya ko palang tugtugin ang "More Than Words" sa gitara. Joke! = P

chroneicon said...

@ goddess - hindi minsan, kailangang parati. minsan ka lang pwedeng sumablay haha. cge turuan kita pero d ako magaling. si vera malupit!

@ lethalverses - MABAIT?! {comment deleted by the author}

@ damdam - bwahaha! malapit na ba makumpleto?

@ iheartmamon - si vera at sher pag nagsama sa jamming, mala-concert ang atmosphere pare..

@ ayz - kanta ka na lang! international pa nga boses mo e...

@ utakmunggo - gnawa mo naman akong anito ahaha! di ako magaling sa gitara, marami ang mas malupet!

@ toxiceyeliner - ang lupit naman! daming napag-aralan na instruments tapos astig pa ang boses! *SAMBAAAA*

@ beth - d pako nakakalaro ng guitar hero! waahhh

@ ruthan - salamat! kinarir talaga ang lyrics! ahaha

@ emoterang nurse - aral ulit! chord chart lang ang kailangan mo

@ marian - salamat sa dalaw. 3 years ago ko lang kinarir ang paggitara. pwede pa!

@ rj - pare koy, F ang pinakamahirap pag beginner! hihihi...

@ lyzius - malapit na girl!

chroneicon said...

@ avalyka - glad to hear na ok ka na. ten years? sure, gawa ko time machine in 9 years para mapabilis haha..

@ v - tama ka jan girl! apir tayo at ituloy ang pagtugtog!

@ gasdude - ok lang iyan pare! malupit ka naman sa pagkanta! ikaw na nga ang vocalist! haha

noongmalapad said...

muka kang rakista sa litrato mo, siguro malupit ka nga mag-gitara. buti ka pa. ako, wala na. hanggang power chords nalang. haha.

Tisay said...

uhm... anong kulay ang luntian?

rawr, gagaya ako sa iba at sasabihin kong gusto ko rin matuto mag gitara. at pangarap ko talaga matutong mag gitara. pero ayaw ng mami ko kasi makaka-kalyo daw fingers ko. chaka may piano kami sa bahay sayang daw kung walang papansin. kaya yun, nagpiano na lang ako. di naman magaling.

gusto ko pa rin mag-gitara. zeusdemet.

beero said...

ang tagal mong di nakapag-update. hehe. haayyzzz. binaggit mo pa ang salitang "gitara" sa post na to. alam mo bang frustrated ako dahil di ko matutunang tumugtog ng gitara. pag may jamming kami ng mag kabarkada ko nung una eh kumakanta lang ako. na-try akong tumugtog pero nahirapan ako. turuan mo naman ako oh. hehe.

arhey! said...

noon gusto ko rin mag gitara kaso ang gitara ang ayaw sakin. nyahah! kakanta na lang ako. baka meron akong boses na maitatago. lol!

tinapay pala ay may puso na rin! huwaw!

Mariano said...

Gustuhin ko mang matuto, kulang ako sa lakas ng loob at tibay ng dibdib para harapin ang hamon ng mga kwerdas at tamang timpla ng pagtipa sa kanyang mga frets.

Mahusay na ang kakayanan mo bossing, pwede nang ipantapat kay Freddie...Hubalde, ahaha, joke lang.

Basta sa tuwing kantahan sessions, hinding-hindi magpapaiwan ang guitar-slash-lashing heroes, ahaha.

Dakilang Tambay said...

naku.. gustong gusto ko matuto maggitara at malakas ang appeal ng mga lalaking marunong maggitara para sakin. hehehe

shayleigh said...

huwaw! gaya ng iba, isa din ako sa taong frustrated matutong maggitara... i tried to learn gamit ang gitara ng kapitbahay, pero masakit na daliri ko, di ko pa din magawang kalabitin ang kwerdas ng ayos. hanggang sa lumipat na ung kapitbahay at wala na akong magamit ng gitara... :c

naantig naman ako sa dalawang huling talata lalo pa ng sabihin mong naalala mo ang iyong mga magulang. kasi gaya ng iyong gitara, ang ating mga magulang din ang espesyal na taong hinding hindi tayo iiwan kahit anong mangyari...

haaay... i missed my parents!

shayleigh said...

at ciempre pa, dahil frustrated akong matutuong maggitara, super krazz ko naman ang mga toang may talento sa pagtugtog nito... :D

chroneicon said...

@ noongmalapad - power chords?! takte ang lupit mo!

@ tisay - luntian is green

@ beero - isang case lang pare ang kapalit! ahaha!

@ arhey! - oo pare, tinapay ay meron na rin!

@ mariano - susmariano! kahit hindi ka na maggitara. boses pa lang ang lupit na! ikaw ang rens verano ng rock genre!

@ dakilang tambay - malamang ang bf mo naggigitara din ;P

@ shayleigh - bili ka na ng gitara! enjoy ang magtugtog!

chibineko15 said...

wow nakakaengganyo basahin blog mo.