Wednesday, June 11, 2008

Binigyan Ako Ng Kalahating Basong Tubig


Dalawang segundo na lang ang natitira sa laro. Lamang ang kalaban ng dalawang puntos at ang ball possession ay sa koponan namin. Planado na ni coach ang lahat at sa larong ito, ako ang may pagkakataon na maging hero.

Inaasahan na ng kalaban na ako ang titira sa play na ito dahil limang three point shots na ang naipapasok ko sa laro. Alam rin ng kalaban na hindi na namin itatabla ang iskor dahil lima na lang kaming lalaro kapag nauwi sa overtime. Fouled out na ang tatlo, injured ang dalawa at ang mga natira ay sinundo na ng kani-kanilang mga nanay.

Nasa tamang puwesto na kaming magkakampi. Binigay na ng ref ang bola sa kakampi ko para sa inbound at inumpisahan na ang pagbibilang. Matindi pa sa Elmer’s Glue ang lagkit ng depensa ng guwardiya ko sa akin. Mula sa baseline ay dalawang mabilis na hakbang patungo sa kanan ang ginawa ko at sumunod ang mokong. Bigla naman ako bawi at tumakbo papunta sa kaliwa. Sakto ang screen ni kakamping power forward at nakawala ako sa depensa pero may nakaabang agad na isa pang asungot. Mabuti na lang at na-anticipate ni coach ang mangyayari. Isa pang screen ang dinaanan ko at ako’y libreng libre na sa three point area. Mabilis at tama lang ang pasa sa akin.

Handa na akong i-shoot ang bola. Handang-handa ako. Ilang beses ko nang sinanay ang sarili ko sa ganitong sitwasyon. Alam ng mga kasamahan ko na hindi ako natatakot tumira sa ganitong okasyon at alam rin nilang kaya kong ipanalo ang laban.

MILLER TIME!

“Shooter! Iyong shooter!” sigaw ng kabilang coach.

Huli na ang paalala niya. Naitira ko na ang bola. Ramdam ko sa bitaw at sa follow through na tama ang tira ko. Nakaangat pa ang shooting hand ko at napasigaw agad ako.

“Panis kayo!”

Tulala ang mga kalaban.

Tulala rin ang mga kasamahan ko.

Hindi nila akalaing anlakas ng loob kong sumigaw ng ganoon. Ni hindi man lang kasi tumama sa ring ang bola. Kapos!

Naglakad ako pauwi na hindi matanggap ang nangyari. Aykentbilibid. Nakayuko ako at sinipa ang mga basurang sumalubong sa dinaraanan ko. Lata, plastik, resibo, papel, balat ng saging, buto ng manok, candy wrapper, patay na daga at pulitiko. Basta basura, sinipa ko. Hindi nagtagal ay napansin ko na papalapit ako sa kanto ng Estrada at Leon Guinto. Bigla akong tumigil sa kinatatayuan ako. Shet! Olispagetingsiyet! Hindi ko nakuhang dumaan dito. Naholdap na kasi ako sa lugar na ito. Isang mamang kamukha at kasing-katawan ni Max Alvarado ang tumutok ng ice pick sa leeg ko. Wala akong magawa kundi ibigay ang puri este pera ko at ang Nokia 3210 na nagkakahalaga pa ng walong libo noong panahon na iyon.





Nag-iba ako ng ruta kahit na madadagdan ng sampung minuto ang paglalakad ko pauwi. Napadaan ako sa isang convenience store at bumili ng C2 at tsokolate. Ang C2 ay para mapawi ang uhaw sa paglalakad. Ang tsokolate ay kakainin ko kasabay ng paglapa sa natira kong ulam kanina. Pechay Guisado! Napakagandang kombinasyon. Pechay at tsokolate. Hindi ko alam kung ano ang trip ni mama noong pinagbubuntis nya ako kasi pinaglihi raw niya ako sa dalawang pagkain na ito. Ako naman, dahil doon ako pinaglihi, sinubukan ko kung anong meron sa dynamic duo na ‘to. Naadik ako sa sarap.

At iyon nga, one thousand kitty steps na lang at makakauwi na ang talunang mandirigma (ako iyon!). Gutom at excited na ako. Ngunit hindi yata kampi sa akin ang suwerte nang gabing iyon. May isang kumakaripas na kotse na patungo sa kinalalakaran ko. Siyempre kahit na pagod na ako ay alerto pa rin ang utak ko! Tumabi ako sa daanan upang makaiwas sa disgrasya pero hindi ko nailagan ang tumalsik na putik na galing sa lubak na dinaanan ng sasakyan. Daig ko pa si Leonardo Manecio, Sr. Alam kong nakita ng driver ang nangyari pero hindi niya inatras ang sasakyan upang humingi ng paumanhin. Dire-diretso lang ang loko. Titirahin ko na sana ng Rei Gun kaso maraming madadamay na mga inosenteng tao.

Wala rin namang mangyayari sa akin kung papaapekto ako sa mga hindi kanais-nais na kaganapan. May mga araw lang talaga na malas ka at akala mo pinaglalaruan ka ng pagkakataon pero keribels lang. Ganyan talaga ang buhay. Umuwi na lang ako, naligo at ngumiti dahil papapakin ko na ang aking hapunan.

18 comments:

UtakMunggo said...

nakakapagod rin manood ng basketball kasi nakakangawit yung drinks at kailangan mong buhatin yung nilapag mong burger at fries sa iyong kandungan kapag gusto mong maki-cheer.

pechay at chocolate? kaloko naman yan. dati ang trip ko ay lemo lime na may halong ketchup.

gago yung nakahit and run ng putik sa yo. nangyari rin yon sa akin naka-nurse's uniform pa ako. ah naku walang poise poise sinigawan ko ng malutong na pakyutanginamomamatay ka!!!

hehe.. (pero dalaga pa ako nun)

ayzprincess said...

di pa ako natatalsikan ng putik, not that pinapangarap kong mangyare to! tubig ulan, parati!

wala akong naintindihan sa basketball.. hindi dahil sa kung anong dahilan, pero dahil WALA TALAGA AKONG ALAM SA BASKETBALL!!! ang alam ko lang e kapag may nakakashoot. ahihih..

oi may sagot.. kaya lang tamad akong magcompile ng mga sagot! sama nalang ako ng mananalo! ahahahah

ToxicEyeliner said...

aww...

ganon talaga... once na natamaan ka ng malas at nag-dwell ka ron dahil sa sama ng loob, tuluy-tuloy na. (AYOS, IHINALO KO NA NAMAN ANG LAW OF ATTRACTION AHAHHA!)... pero tama ka naman e. may mga araw na ganon talaga.

ayos ung attitude mo. dapat nag-jollibee ka at ihinalo mo ang ketchup sa coke. hindi ko rin ma-gets bkt gusto un ng kaibigan ko. napaglihi rin kaya sya ron?

beero said...

haha. ang lakas mong makipag-trash talk eh sablay naman pala tira mo. hehe. isa lang dapat ang sinabi mo: "i'm so sorry. i told you i was confident". hehe. bawi na lang next time bro!

shayleigh said...

ang husay ng pagkatha... wala akong masabi... pati pulitikong basura nasipa.
those sort of things comes in three. ano kaya ang pangatlo, hmmm?
pa-try nga ng tsokolate at pechat guisado.. :D

RJ said...

ayos lang yun, pati nga si miller time ay sumasablay din. (pero sana hindi ka na lang sumigaw. nyahaha!) ayos ang kwento, kahindik hindik ang mga huling segundo. 'kapit-bayan, ito ang bayan ng superstars' sabi nga ni noel eala. hehehe.

GODDESS said...

naiiyak ako... 3-1 na ang celtics/lakers, huhuhuhuhuhu!

anyway, ang dami ng sagot!

pechay at sokoleyt?? hala ka! ako dinuguan at pop cola...

kanta ka na lang nga "you had a bad day" =)

*hugz cousin*

Rio said...

pechay at tsokolate??? hmmm...ma try nga!
e nasubukan mo ng matalsikan ng solid na putik sa mukha?? ako nasubukan na!! at talgang badtrip!!!!!

may araw din yung mga taong yun!!

emoterang nurse said...

lahat ata ng malas ay nasalo mo nung araw na ito...

sayang hindi na shoot...dapat lumipad ka gamit ang iyong pakpak upan mai shoot ang last na tira...wahahaha....

ang daming sagot para sa contest ah...may nanalo na ba???sayang nahuli ako...

antuken said...

ang weird ng kumbinasyon ng dinner mo. sobra.

celtics ka rin pala! im rooting for them too! at nang nanood ako kanina ng game 4, text pa ko kay hubby ng details ng last minutes, thinking na lakers sya. nagreply ba naman ng yehey! hahaha. celtics din pala.

go celtics! i sooper enjoy basketball games (watching lang ha and not playing)

FerBert said...

go celtics! hehe..

walang mangyayare sayo kung magpapapekto ka sa di kanais nais na pangyayare.. ayos sa quote ah..

Dakilang Tambay said...

naku.. kainin mo na lang ako chocolate at pechay mo. haha :)

lethalverses said...

woow... iba ang writing skills at style mo talaga idol.

gaya ng mga nakaraan mong mga posts, tumulo ang laway ko sa katabi ko sa dyip habang binabasa ito.

...na JOKE lang kasi siyempre hindi ako nagiinternet sa dyip.

...dahil sa pedicab ako nagiinternet.

iheartmamon said...

wala. matatalo din yang celtics mo gaya ng pagkatalo mo. haha. panis pala ah. tae yan. may pustahan kami ni 'hany' date kapaag nag-champion ang Lakers. huhuhu

sana maging banban si garnett gaya mo. lols

Tisay said...

hahah! onga, GO CELTICS!! bwahaha! rawr.

ganyan talaga, minsan para kang pinagti-tripan ni lord. maglaro ka na lang ng streetfighter. bwhahaa!

pechay & chocolate. nyorks. subukan mo peanut butter sandwich na may mayonnaise. haha! ayus yun... :)

chroneicon said...

utakmunggo - ang lutong nga! magamit nga iyan minsan...

ayzprincess - madali lang ang basketball! paturo ka kay damdam =D

toxiceyeliner - ketchup at coke?! susmarheysep! masubukan nga..

beero - nakabawi naman pare! wahaha!!!

shayleigh - natry mo na? anu lasa? kakaadik no?

rj - noli pare, hindi noel hihihi...

goddess - yup, championship na yan! dinuguan at popcola? susmarya! dami palang combinations na pwede!

rio - putik sa mukha? ayos! hindi pa wahahaa! welcome po, daan uli kayo!

emoterang nurse - wala pang nananalo. d nga ko makatalon, makalipad pa kaya? hihi...

antuken - actually pacers ako kaso d sila nakapasok huhuhu...

ferbert - welcome back pare!!!

dakilang tambay - nasubukan mo na? sarap no?

lethalverses - kamusta ka naman? ano na balita sau?

iheartmamon - bitter! wahahaha!

tisay - hindi masarap! waaaah!!!

iyay said...

napadaan lang..

pacenxa na, no offense, pero natawa tlga ako sa pagkakakwento m ng sablay na 3pt. shot.

penge ng chocolate! tubig n din..

anyway, cguro nmn sinwerte ka n ng sumunod na araw!

Mariano said...

Hanep talaga bossing! Maganda ang pagkakalarawan! Sa sobrang ganda parang nalasahan ko na din ang Pechay Guisado at ang chocolate with matching C2!!! Panalo! Sana lang panalo din sa basketbol. Ang ganda na ng laban eh! Navisualize ko pa kung paano tumalsik ang pawis mo!