Friday, July 18, 2008

Alay Ng Isang Nawawala


Tuwing magsasalita ka, nakikinig ako.
Pinahahalagahan ko ang mga bigkas
mula sa iyong malupit na labi.

Tuwing tatayo ka, yuyuko ako.
Natatakot akong magkasalubong
ang magkaibang landas ng mga mata natin

Tuwing lalapit ka, lalayo ako.
Hindi ako handang harapin ang
mga bagay na maaari nating pag-usapan.










At tuwing susuweldo, natutuwa ako.
Dahil hanggang ngayon, hindi mo
pa ako sinisisante.

maraming salamat idol kong bosing!

29 comments:

FerBert said...

Tuwing lalapit ka, lalayo ako.

kala ko si ano to.. takot kase ako dun eh.. yes! bagong sahod! buti pa kayo may sinasahod.. samantalang ako.. buhay tambay.. huhuhu.. :P

*tanong mo na lang kay damdam kung sino yung kinakatakutan ko. alam ko marami din nasisindak ang pagmumukhang yun.. hahaha

axel said...

@Ferbert >>> sinu kaya yun... uhmmmm... sana hindi forumer... lol

@Chroneicon >>> tama ka dyan... hanggat may sweldo ok pa yan...LOL

napunding alitaptap... said...

@ ferbert

salamat sa pagpapakilala sa akin sa FORUMER na iyan, nakakarelate tuloy ako, talagang sikat na sikat na sya dahil sa looks nya. wahahaha!

@ chroneicon

bossing pala, hehe. akala ko kung sino. hehe. =p at talagang ipinaggawa mo pa siya ng poem, hawsuwiiit. . . wahaha!

flyfly!

damdam said...

buti ka pa nagagalang mo boss mo.. ako kahit katiting na respeto para sa hmpf na yun, e wala na e. kainggit!!!

UtakMunggo said...

bakit chrone, bumubuga ba ng apoy?

iyong boss ko dati nakita ko minsan sa palengke, hayop kapal pa rin ng eyeliner namamalengke lang! pampasindak niya talaga pati mga tindera tiklop!

healthy naman yang nararamdaman mo. ang mahirap eh yung FC sa boss.

:D

pia said...

akala ko kung ano... si boss mo pala :)

iyay said...

muntik ko na i-on ang player ko pra sa senti mode...

hehe..,usapang kinsenas katapusan pala ito at ang iyong boss.

Abou said...

iba talaga mga buladas mo

ha ha


ni link din kita kala mo

GODDESS said...

iba ka talaga insan... the best! pero ako, alam ko talaga kung para kanino to! ahahaha!!

lethalverses said...

hmmm hehe para kanino kaya ito?

wehehehehe... laglagan na lang kaya?

kilala ko kung para kanino ito, sa boss ni chie named....

hehehehe tado ka walang gantihan!

beero said...

nakakarelate ako dito ah. hehe. medyo asiwa rin ako pag nasasalubong ko bosing namin dito sa opis. tsk, tsk. nalaman kasi nila minsan na pumepetiks ako para magblog. haha

pb said...

kelan ko ba matitikman ang boss... este ang katas ng sweldo mo? kelan chie? kelan... now na gusto ko now na. hehe. ngatz.

TENTAY™ said...

ahahah nun binabasa ko akala ko tunkol kng saan. natawa ko dito ha. ang galeng galeng mo =) panalo!

prinsesamusang said...

nakakatuwa ka naman, ano kaya ang sasabihin ng boss mo pag ka nakita niya to?

chroneicon said...

ferbert - parehas tayong takot dun! :D

axel - balita ko kayo na e ;P

n.a. - haba ng name mo.. xempre, mabait ang bosing ko, matulungin pa :D

damdam - kamusta naman ang promoted? :D

utakmunggo - haha, bugahan na lang ng suweldo, ok na ako dun ahaha!!

pia - napadaan ka ulit! haha, maraming salamat. ala ka bang blog?

iyay - aba!, at meron kang playlist sa ganyang mode? hmm...

abou - nauna ako maglink belat!

goddess - para sa boss ko ito! promise!

lethalverses - ano?! laglagan? haha! mas marami akong mahihirit sau! wahahahaha!!!!

beero - pare masama iyon. dapat kahit busy, blog pa rin!

pb - now na? punta ka dito sa makati! dali!

tentay - mamat! marami pang mababasa hehe...

prinsesamusang - ang sasabihin nya e, mabuti naman at masipag ka sa work at after office hours ka nag-aasikaso ng blog mo. mabuhay!

salamat sa pagdaan! hehe...

lethalverses said...

hiatus mode???

potek, ano na nangyari sayo?? buhay ka pa ba, o masyado kang busy sa pambababae mo????

axel said...

Tae!! Kami na nino??

Dakilang Tambay said...

wala akong boss. boss ko ang sarili ko. haahahaha

Leyn ♥ said...

haha. kala ko tulang lab layp.

iwan mo sa desk ng boss mo tong tula mo.

chroneicon said...

lethalverses - alam naman ng lahat na ikaw ang babaero tsong hehe. kailangan ko bang ienumerate ang mga babae mo? joke! hehe

axel - gusto mo sabihin ko? hihihi...

dakilang tambay - naks! di ka ba napapagod maging boss?

leyn - masyadong bisi si boss hehe...

axel said...

Tae ka Chie... Imbento na yan...

wanderingcommuter said...

leche! kumagat ako dun ahhhh... bigtime!!! argh hahahaha

kingdaddyrich said...

wa. paano ba ito. hindi ko pa rin nasasagot lahat ng tanong mo. isa na lang ang kulang. sweldo na! wa.

pensucks said...

hehehe... astig! sarap ng sumusuweldo ano?

Mariano said...

Dahil wala naman akong alam na ibang pag-aalayan mo nito maliban sa paborito nating kaibigan eh tatanggapin ko ito bilang sulatin para sa iyong amo.

At siguro pwede na ding para sa iyong kaibigang reyna.

prinsesa000 said...

ang daming sweldo na ang nagdaan wala pang bagong post... hehehe

chroneicon said...

axel - hindi no! hehe

wandering commuter - hehe. churi churi...

kdr - basa lang pare. promise anjan na lahat!

pensucks - masarap tlga pare. pero mas masarap pa rin mag-aral hehe.

M - sasabunutan kita!!!

prinsesa000 - meron na!

lethalverses said...

HEHE KAMUSTA NAMAN ANG FEELING NG NABASA NA ITO NG PINAG-ALAYAN MO NITO? :D

axel said...

Ikaw Chie kaya hindi ka na nakakasama puro ka gerger...