Monday, July 14, 2008

Alingawngaw Mula Sa Isang Pipi


Minsan may dumalaw sa chatbox ko at ipinahayag ang kanyang pagkalungkot dahil sa pagpaslang ng isang henyong blogger sa kanyang blog na dulot ng isang makapangyarihang puwersa. Tadhana nga naman, ngayon ay siya naman ang biktima ng parehas na salarin at binura rin niya ang kanyang blog kasama ang mga nailathala niya na kumurot sa mga puso at nagbigay ng inspirasyon sa mga mambabasa.

Hayaan niyong ibahagi ko sa inyo ang isa sa mga paborito ko sa mga posts niya:

trenta pesos na alaala ng PGH

patawad.
itinuring ka naming
isa lamang sa karamihan
ng mga nakaratay
na katawang
humihinga ma’y
nagbibilang naman
kung ilang hibla pa ng hangin
ang kaya nilang habulin
bago tuluyang bumigay
at tanggapin
ang wakas
na itinakda na
mula ng kayo’y limutin
at ituring
na isang alaala na lamang.

patawad.
bagama’t amin nang narinig
na kulang ka na lamang
ng halagang trenta pesos
upang mapunan
ang pangangailangan mong
gamot,
ay nagpatuloy pa kami
sa iba mo pang mga kasamahan
at nangahas, sumugal,
na sila di’y matutugunan.

patawad.
sapagkat kami’y nagutom
at inuna ang kapritso
ng hangal naming sikmura,
at hindi agarang nakabalik
dala ang iyong gamot
na disin sana pala’y sinulid
na maipantatagpi
sa butas mong puso
na tinatakasan na ng hininga...

patawad.
naging mangmang kami
sa tunay mong kalagayan.

patawad,
dahil ang tangi na lamang dinatnan
ng gamot mong matagal nang hinintay, inasam
ay ang malamig mong katawan na binalutan na ng kumot.

...ang kumot na tangi mong kasama’t
karamay
sa nabigo mong laban
na dugtungan ang buhay
na amin namang ipinagpalit
sa kalahating oras
na pagkain ng tanghalian.

* Based on a true account of a visit to PGH ward, Manila.


Dito ako humanga sa taong ito. Ito rin ang dahilan kung bakit nanghihinayang ako sa pagkawala ng blog niya. Dahil marami ngang bloggers sa maliit na mundo ng internet ngunit bibihira sa kanila ang may puso at pangil sa kanilang mga inilalathala.

Isa siyang malaking kawalan!

Maraming salamat lethalverses sa pag-aya mo sa akin sa blogosphere. Ako naman ang hahatak sa iyo. Alam kong panandalian lamang iyan at babalik ka rin katulad ni Jeck!

19 comments:

Anonymous said...

huhuhu

balik ka na LV...

Lyzius said...

oo nga LV, sana balik ka na rin... pag ibig lang yan wag ka paapekto...ay bakit ba nasabi ko yun???

susme gurl, lalake lang ang dahilan ng pagkakaganyan mo! tayo ng rumampa at marami pa tayong carpet na kelangang diligan...

ayzprincess said...

miss ka na namen sher sher..

balik ka na..

at isang hirit: talagang si jeck ang example?! ahahaha

Espie said...

Pare hayaan mo munang makapag isip at makarecover si pareng Sher.. Hindi kasi kayo magkatulad ng level eh si sher kasi kapag nagmahal talagang totoo kaya grabe masaktan. =) Tingnan mo sa pagbabalik nyan marami na namang aagos na luha. Hehehe...

RJ said...

nasan na nga ba yun?!

Anonymous said...

kaya naman pala. :(
visit sana ako sa blog niya,
nagtaka na lang ako na wala ng laman. huhu.

Anonymous said...

sayang nga eh kasi di man lang ako nakabisita sa blog nya. he writes so well. maganda pagkakasulat nya, may kabuluhan ang paksa ika nga. hehe.

sana bumalik din si LV. we need bloggers like him. hehe

The Gasoline Dude™ said...

Na miss ko na ang Lashing Heroes. Huhuhu.

jheyamhei said...

oo nga eh.isa syang kwalan.tagasubaybay rin ako ng blogsite niya.nagulat nalang ako ng di ko na matagpuan.hehe.magaling talaga siya sooobbbrrraaa.hindi lang talaga ako pala comment sa kanya pero tambayan ko na ang site niya kumpara kay kuya.hehe.

Anonymous said...

tae mo jheyamhei.


babalik din sya... alam ko...
*sniff*

emotera said...

asan na ba c sher??
bkit dito sa blog ni chie hinhanap...
sbagay miss na kasi ng mga bloggers ang knyang mga sinusulat...

anyway, isa ito sa mga post nya...naiyak ako ng binasa ko ito dati...alam ko kasi ang hirap s mga ward ng ospital...haaaaayyyy

PoPoY said...

sayang nga ang mga lathala ni LV... tsk tsk...

choice nya yan..

sana bumalik.

UtakMunggo said...

isa siyang kawalan sa blogosperyo. oh well, kahit sandali lang, at least naipagmalaki ko ang link niya sa roll ko.

molestedtwineggs said...

sana babalik...

chroneicon said...

bumalik na siya!!!

wahahahah!!!

womanwarrior said...

ganda naman nito..

it is so good to have read this.

chrone, i am so far convinced of the goodness of your heart. men feel but very little is verbalized. writing to express one's concern for a friend is rare among men. but you do. you offer your friend a kind of assurance that he is loved and cared for.

and the same is true for all the others who share the same sentiments.

nga pala, konti palang ang nababasa ko sa posts mo pero i particularly like yung sinulat mo sa filipino pero ingles ang last words ng mga linya. very light (kasi hirap akong umintindi ng poems eh)... ahahahah... kudos!!!

chroneicon said...

womanwarrior - lola ami!!! penge naman po access sa blog mo :D maraming salamat sa napakalalim na comment.

ganyan po talaga ang samahan ng GP family. ramdam namin ang lungkot ang saya ng isa't isa...

womanwarrior said...

cge, magbubura lang muna ako ng ibang posts na mejo delicate. share ko na siguro next week.(as if naman napaka-precious ng blag ko.) :)

sayo at sa kanilang lahat, keep on blogging!!! :)

Anonymous said...

後宮後宮後宮後宮後宮後宮後宮後宮後宮後宮