Monday, August 25, 2008

Isang Pasasalamat

Nitong nakaraang sabado, ginanap ang unang outreach ng Greenpinoy family. Humigit-kumulang na 20 tao ang pumunta at nakibahagi sa mga kuwento at pangyayari na aming naranasan noong araw na iyon. Ako, bilang isa sa mga organizers, ay masaya sapagkat marami ang pumunta at kahit man lang sa panandalian, ay nabigyan namin ng ngiti ang mga pasyente at pamilya sa wards 9 at 11 ng Philippine General Hospital.

Maraming salamat sa mga:

1. nag-file ng leave para makasama sa event.

2. hindi natulog (dahil nightshift) at diretso na agad sa venue.

3. nag-prepare ng sandwiches para sa grupo.

4. bumili pa ng mga gamit para sa kanilang donations.

5. ipinagpalit ang ibang lakad nila para dito.

6. pumunta kahit na less than two days lang nilang nalaman ang tungkol dito.

7. officemates na nagpahabol ng kanilang share.

8. humabol pa rin kahit na late na sila.

9. tumakas panandalian sa lablayp.

10. pumunta kahit walang contact number ng mga attendees.

11. humila ng iba pang kasama.

12. bumili ng plastic bags.

13. nagpadala ng pera mula sa ibang bansa na pinambili namin ng donations.

14. nagpadala ng pera na hindi umabot sa takdang oras (kasalanan ko rin). sinisigurado naming magagamit namin iyan sa susunod na outreach. yup, hindi ito ang huli.

15. nagbigay ng information tungkol sa outreach.

16. tumulong sa pagdala ng donations sa hospital.

17. suporta at panalangin na kusang kanilang ibinigay.

18. naghalungkat ng kanilang mga lumang gamit.

19. nagbigay ng encouraging words sa mga pinanghinaan ng loob.

20. bloggers na nagpatunay na salamin ng kanilang pagkatao ang kanilang mga lathala.

21. taong naihanda ang kanilang sarili.

22. taong hindi handa sa ganoong tagpo ngunit pumunta pa rin.

Maraming salamat po! Alam kong marami tayong aral at istorya nitong nakaraang Sabado na maaari nating ibahagi sa mga kasama natin sa landas ng buhay. Kahit na maramdaman nating helpless tayo sapagkat limited ang naibigay o maibibigay natin sa kanila, hinding-hindi tayo titigil sa ganitong klaseng gawain.


(wala nga pala sa pic ang dalawang bloggers na kumuha ng larawan hehe...)

Kitakits sa susunod na outreach! Mabuhay kayong lahat!

29 comments:

ayzprincess said...

boo! wala kami ni damdam sa pichur! hehehe

buti nlang ako ung bumili ng plastic bag, sinamahan naman ako ni silverfox :P hehehe

salamat din sa pagorganize, tama ka, sana hindi ito one time thing.

Abou said...

kahanga hanga kau at meron kaung mga ganyan. kami puro na lang ganito he he

UtakMunggo said...

thumbs up! :D

beero said...

sayang nga kasi i can't attend events like this. kung nandyan ako sa manila you can always count me in. anyways, masaya na rin ako kasi naging successful ang outreach program nyo. kahit sa maliit na bagay, you guys were able to touch people's lives. long live greenpinoyers!

GODDESS said...

malaki kasalanan mo sakin!!!

next year ha, para makasama ako.

mabuhay ang mga bloggers na mababaet!

taps said...

Ang bigat sa kalooban yung mga kalagayan ng nasa pgh, alam nyo ba na 3 days akong nagkulong sa kwarto dahil sa panghihina because of what we experienced.

Pero okay lang, at least nakatulong tayo.

ken said...

totoo ba 'to? galing! pwede sumama kahit tagabitbit lang ng gamit? chroneicon, isa kang inspirasyon sa mga kabataan! idol ka ng masa!

The Gasoline Dude said...

Dumating ba 'yung limpak limpak na perang pinadala ko?

Joke lang. Hehehe. Sa susunod na lang. Wala pa kasi akong sweldo dito.

chroneicon said...

ayzprincess - umpisa pa lang ito. kakaiba ang mga ganitong experiences. para siyang kape sa buhay natin.

abou - start or join ka rin sa lugar mo ;)

utakmunggo - thanks! ;)

beero - start ka rin jan sa inyo or pagbalik mo sama ka!

goddess - churi churi :( bawi ako next time...

taps - pare, isa ka sa mga may ginintuang puso. maraming salamat sa pagpunta at sana makita kita sa susunod na outreach.

ken - tsong, nabuhay ka! kamusta? sama ka minsan sa mga lakad!

gasdude - asahan namin 'yan ah? promise?

silverfox said...

masaya talaga toh... sa totoo lang.. ngayon lang ako nakasama sa outreach na hindi sponsor ng school.. masaya ako at nagkaroon na ng bagong mga kayakap ang mga bata at ang mga pinaglakihan kong stuffed toys at dolls..

at kami nga ni ayz ang bumili ng plastic bag.. XD

silverfox said...

btw.. palink po ah.. :D

eiyelle said...

Super self-fulfilling talaga ng mga ganyang activities diba?
Buong akala mo ikaw yung makakapagpasaya at makakatulong sa kanila, but at the end of the day, you’ll be surprised because it was them who made you really happy.
God bless you and your friends! :)

*sana makasama ako next time*

Espie said...

Pasensya na pare kung medyo maliit lang yung amount na naibigay namin kasi late ko na nalaman na may ganito eh.. Hindi kasi kayo nagsasabi eh.. Next time na lang uli pare.

prinsesamusang said...

congrats sa tagumpay!

RJ said...

ang galing nyo dude, hindi na ko magtataka kung isang araw eh mapanood ko kayo sa tv sa bitag...este hinde...basta sa tv para bigyan kayong pagpupugay.

ipagpatuloy nyo lang pards, nakakahanga. =D

Rio said...

galing naman...saludo ako sa inyong lahat..
keep up the good work...=)

lethalverses said...

sino po ung cute na guy na nasa gitna? wehehehe...

seriously, isang mas malaking pasasalamat sayo sa pangunguna sa ganitong gawain...

bagamat mapait sa ating mga kalooban ang mga kwento ng buhay (na sa totoo lamang ay mas talamak kaysa sa ating nakalakihan) na tumambad sa atin, nakagagaan pa rin ng pakiramdam na kahit paano'y nabigyan mo sila ng kahit hiram na ngiti...

higit pa sa tulong materyal na naialok natin; tiyak kong mas nakabuti sa kanila ang kaisipang may nakausap silang tunay na nagmamalasakit... at naiparamdam na marami pa rin ang may pakikipag kapwa tao, di gaya ng mga "dalubhasang namumuno" sa atin na walang inaabangan kung hindi ang kalansing ng barya at amoy ng salapi...

SINAPIAN AKO, PASENSYA NA.

chroneicon said...

silverfox - hehe. salamat! salamat! cge lang, ex links :D

eiyelle - ito iyong mga tipong hindi mo ipagpapalit hehe.. salamat! sama ka next outreach!

espie - salamat sa tulong pare. next time for sure isa ka sa mga unang makakaalam.

prinsesamusang - mamat!

rj - sa search for the next little big star na lang. hehe. kamusta babies?

rio - salamat po. sama kayo next time :D

lethalverses - bakit kulay brown ang shirt mo? booo! pero salamat ang pumunta ka. ikaw ang isa sa mga taong inasahan kong pumunta.

emoterang nurse said...

sa tagal na hindi ko pag blog hop...ngayong ko lng nakita na bgo na pla layout...ayos ah...

anyway, nalulungkot ako at hindi ako nakasama...may mga kailngan kasi akong gawin para sa sarili ko...at medyo wala akong kakayahan na ipamahagi ang sarili ko sa mga panahon dahil sa personal na dahilan...sana sa susunod makasama na talaga ko...

babait tlga ng mga greenies...saludo ako sa nyo...:)

napundingalitaptap said...

ay siyaaaaaaaaaaaks...mahal ko na kayong masyado!

uhhhhh. . .napakabuti. next time sabihan mo ako, uhhhhh. . . ang sarap naman nun. uhhhhhhhhh, di ako makaget-over..

kudos! uhhhhhhhh. . .ambabaet!

RJ said...

hanggang dito sa blog mo, umaabot ang tanong na....

ano ang dipungal? =D

Lyzius said...

teka, bakit di ko nabalitaan to? sensya na...sana next time masabihan ako...

chroneicon said...

emotera - ok lang iyon. aasahan ko ang pagdalo mo sa next outreach ;)

n.a. - mukhang busy ka maxado ah? dmo receive PMs ko? check ka lang palagi forums :D

rj - aba! bakit mo natanong? ahaha...

lyzius - dmo receive PMs ko? check ka lang palagi forums :D (kinapi peyst lang hehe)

rogelio said...

masama ba mainggit? kung masama man, sorry. pero naiinggit talaga ako sa outreach program nyo. it must have been thrice the fun around fun people.

btw, chroneicon, fan mo ako. lalo pa't eto ang naisip mong i-organize. u deserve more than my comment to applaud u.

God Bless to all.

antuken said...

i didn't do much mingling with patients nung nagpunta tayo. mababaw kse luha ko.

naga-outreach programs din kami nung college. but usually we donate beddings and other stuff sa hospital. wala yung ganitong interaction with the patients ba.

fulfilling sya. at salamat sa pangunguna ng outreach na ito. alam naman naming lahat na magaling kang promoter. marami laging hatak mong greenies pag ikaw promotor e. hehehe.

axel said...

Sa uulitin... Its nice to know na nakakatulong tayo sa ibang tao...

Kirk said...

nice to see na may ganitong activities ang GP. apir!

ponCHONG said...

salamat naman at narealize din to. pero bakit walang nag-inform sa akin? nakapagdonate man lamang sana ng marami. LoL!

magpahaging sana kayo sa susunod.

best regards!

damdam said...

di pa pala ako nag co-comment dito.. ahahahaha! napakawalang kwenta kong online friend..

at dahil jan, walang kinalaman sa post mo yung comment ko.. (e kasi naman nasabi na nila lahat e)

BAG KO YUNG NASA GITNA!!!