Tuesday, August 12, 2008

One Way

by Lashingheroes & Co.

KORO
One way lang ang pag-ibig ko
Ako ba’y titigil na o didiretso?
One way lang ang pag-ibig ko
Saan ba pupunta ang kuwentong ito?

BERSO I
Mag-isa ako sa kalsadang ‘to
Walang pupuntahan, nagmamaneho
Biglang may sumabay doon sa dulo
Nagbago na'ng takbo ng traffic ko...

BERSO II
Kahit mahaba man ang ating byahe
Basta’t kasabay kita, wala nang diyahe
Di mo man marinig aking sinasabi,
Okay na basta’t ika’y nasa aking tabi...

PASAKALYE
O anong saya ng makasabay kita
Panay na ang sulyap ko dyan sa kaliwa
O miss paano ko ba makikita
Ang ‘yong ngiting pupukaw saking mata?

ULITIN ANG KORO

BERSO III
Ngunit nagulat ako ng aking mapansin
Na sa daliri mo’y mayron ka ng singsing
Kaya pala sablay ang aking papansin
Sa puso mo pala’y mayron ng nagaangkin

BERSO IV
At ikaw ay nauna’t sa EDSA’y lumiko,
Gusto ko mang humabol, ako pa ri’y bigo
Expired na ang lumang lisensya ko
Tumitirik pa sa pagod ang kotse ko.

ULITIN ANG PASAKALYE
ULITIN ANG KORO

27 comments:

jeck said...

ASTIG! gusto kong marining yung buong kanta!

rak on mga parekoy!!!

The Gasoline Dude said...

Baka mairecord ito ng hindi ako kasama. Ahuhuhu! =_ C

UtakMunggo said...

naks!
pwedeng pang-opening sa napipintong eraserheads reunion concert ah.

:D

congrats sa bagong paligo at bagong bihis na blag. amoy beybi dito ah! hehe

Anonymous said...

HANEP NATAPOS NA PALA SA WAKAS!!! Ahahaha, panalo!

_M_

arhey! said...

whooo!!! tapos na pala ang one way! music na lang ang kulang.

Abou said...

kelan ko to pwede ma download? ok lang ba ito ipirata? bakit maganda ang bagong template?


ha ha sana malapatan ng magandang himig!

lethalverses said...

may chords na to, recording na lang talaga ang kulang!!!!!!!!!

aba, ampangit lalo ng layout ah...

hahaha buti na lang magaganda ang mga nakapost dito...

chroneicon said...

jeck - ikaw ang astig! isa ka sa mga nag-contribute sa lyrics. record na natin 'to.

gasul - bumalik ka na dito hehe. ANG LANDI MO!!!

utakmunggo - kinukuha nga po kami sa reunion ng The Moffats kaso masyado kami busy sa trabaho. salamat sa pagbati. aayusin ko pa yan hehe.

M - kelan natin 'to babanatan?

arhey - may music na! kailangan na lang irecord.

abou - babalitaan kita pag pwede na hihi..

lethalverses - dahil isa ka sa mga gumawa ng lyrics. kailangang isa ka rin sa mga kakanta *LOL*

shayleigh said...

waaaah!!! I can't wait to hear the song... umpisahan na ang recording!!!

molestedtwineggs said...

huwag mo ipakanta kay Eric Santos yan...sagwa...
huwag din kay Lito Camo..
bagay dyan, tunog kanto... punk rock.. hehehe..
gusto mo, i will accompany your tune with my protactor and triangle...

damdam said...

huwaw, pwedeng manood sa recording?!

and about your layout, ayaw kong isipin na tapos na yun.. 0_o

PoPoY said...

*offtopic*

dahil ndi ako makapagsibaks dito ko ikakalat ang sasabihin ko...

CONGRATS sa bagong bihis mong bahay.

astig ha puti na din. ang linis linis hahahaha.

eiyelle said...

...akala ko nagkamali ako ng pagdapo..nakakasilaw kasi ang liwanag..nahawi na ba ang ulap? hehehe!!

akala ko tagalog version ng passenger's seat..(nyek!) at akala ko din happy ending..yun pala hindi pa nakakahirit basted na..
heniwei..sana mairecord agad, para makahabol..tama pwdeng gawing pang front act sa eheads reunion..hasteg! =)

Leyn said...

landi nyo! pakinig naman!

prinsesa000 said...

oist! bago ang damit mo? maliwanag na dito dati kasi madilim e...

pwede ba tong idownload? =)

napundingalitaptap* said...

aysus, gumaganito pa. . .

sana naman rock ito ha. . .

baka mala-neyo, o kaya bugoy locally. ahaha.

wak kanun. . .

oh well, payong kaibigan(umbrella friend in inglis). . .find time para ayusin ng mas maayos-ayos ang layout. parang isabay mo ang magandang layout sa magaganda mong posts... *ngiti*

flyfly!

womanwarrior said...

nice lyrics... i wish i could listen to the melody, though...

kelan nyo padidinig sakin? :)

ay nakow, ang mga lasingheroes talaga, mas maraming creative juice!!!

prinsesamusang said...

i have something for you in my blog.

prinsesamusang said...

hey i don't think you saw the award i gave you?

chroneicon said...

shayleigh - oo nga e. excited na rin ako!

MTE - ahaha, samahan mo na rin pare ng eraser para maiayos ang tono :D

damdam - sama ka sa recording! GP's Songbird hehe. and ito na ang final layout ko sa ngayon (?).

popoy - hehe, mamat fafa fofoy! dapat ako nanalo hindi ikaw! waaahhh

eiyelle - hindi ka po nagkakamali. talagang panahon lang ng pagbabago. hihi... sana nga mairecord na. calling LH & Co.!!!

leyn - si gasdude lang malandi! haha... soon maririnig nyo na rin.

prinsesa000 - alin ang pwedeng idownload?

NA - alternative xa. at ito na nga po, tingin ko ok na 'tong layout hehe.

womanwarrior - ay naku lola, kapag narecord na, isa kayo sa mga unang paparinggan ko.

PM - naku, i saw it po kaso nagkaerror yata ang WP so i was not able to comment. churi churi

PoPoY said...

ay mali pala bagong layout ulet?

girl, ang landi ng kulay berdeng berde!!! hahaha :)

pero asteeg malamig sa mata. parang nilagyan ang mata ko ng KATINGKO hahaha :)

ayos!

iyay said...

waahh composition mo/niyo to?

astig naman..gusto marinig ng may tugtog!

neuroticsister said...

i have a gift for you in my blog!:-)

chroneicon said...

popoy - final layout ko na to sa ngayon hehe. labo..

iyay - composition namin. wait ka lang ng 10 years. kapag narecord na namin, post ko dito sa blog ko.

neuroticsister - naku maraming salamat po. magpopost ako about sa bnigay nyo ni PM ;D

beero said...

finally, nakisabay ka rin sa trend - changing layout/theme. hehe. ganda ng kanta. pag mairecord na penge ako ng kopya. hehe

Dakilang Tambay said...

wow. kantahin mo na!

chroneicon said...

beero - kailangan na pare hehe... sure pare, gawan mo ng cover mala alex band.

dakilang tambay - lagi naming knakanta kaso di lang marecord. waah!!