Saturday, September 20, 2008

Ang Isang Buwan Sa Loob Ng Tatlong Estropa

*
Habang nagpapabango ka sa buong sambayanan,
sa iyong nagawa sa aming magkakakuntsaba,
hindi mo pa rin sa lahat maitatago’t maibabago
ang ugali mong simpangit ng pagmumukha mo.

*
Habang lumalayo ka at pinipilit na magmalinis,
aminin mong tayo at hindi ako ang nagsimula nito.
Ang puwang at kulang na ngayon ay higit pa sa labis.
Kinalimutan natin ang batas at mga suot na relo.

*
Habang tumatagal, napapatunayan mo,
magkaiba tayo ng landas na piniling tahakin.
Ako ay sa panlilinlang mismo lumalayo.
Ikaw nama’y pinaghari ang dugo ng salarin.

*


Note: Magkakaibang tao ang tinutukoy sa bawat saknong.

13 comments:

The Gasoline Dude said...

May papremyo bang naghihintay
sa taong makakahula
ng mga nilalang na tinutukoy
sa tulang inilathala?

*grin*

pb said...

oo nga, mukhang iba ibang tao nga.. pero anu ba ung saknong? sabay ganun. hehe.

Kirk said...

ako ay tinamaan sa huling saknong.

GODDESS said...

masaya ako na walang pagcro-cross over sa dark side na naganap. hehehhee!

may prremyo nga ba?

ingat insan! miss you!

UtakMunggo said...

ang tanong: may panghihinayang ba sa iyong panig?

ang sarap kung minsan na magbitiw na lang, lalo na kung pagod na pagod at punong puno ka na..

nga lang, kapag malalim na ang naging samahan,...

naku naku lamat naman ang kalaban kapag naghilom na ang lahat.

TL said...

sino ba yan. ako ba yan. :|

The Gasoline Dude said...

Lagot! Si TL, nag-comment!

Si Team Leader!

*LOLz*

chroneicon said...

gasdude - wala haha... sino ba mga hinala mo?

pb - iba iba nga e, toingks hehe...

kirk - kung tinamaan ka, sana gawan mo ng paraan hehe..

goddess - dark side? wala pong papremyo haha.. kamtutinkopit...

utakmunggo - again, ang lalim ng comment haha.

maliit na bagay na siguro ang lamat sa samahan. kumpara sa kung gaano kadalas ang frequency ng mga nagawa, ginagawa at gagawin sa iyo.

hindi ako pinanganak para maging habang buhay na biktima ng mga ganyang tao.

tl - hindi ikaw yan haha.. potek natawa ako sa team leader. gago ka gasul! hahaha

damdam said...

gaya ng sinabi ko sa iyo nung pinag usapan natin to.. bitin ako sa bawat saknong.. pero may rason naman kung bakit pala bitin.. pero masakit pa rin e.. ahahahaha

Abou said...

mga makabagong bugtong ba ito?

he he

womanwarrior said...

pamagat pa lang, di ko na maarok...

pero sa nilalaman, parang nauunawaan ko...

sya ba si...

_o_i_o__a___ i__e__i_e_?

:)

emoterang nurse said...

shet kahit tagalog dinugo pa din ang ilong ko...haha...

it means S-L-O-W ako...haha

chroneicon said...

damdam - naku sorry damdam, nabitin kita ahaha...

abou - hindi bugtong kundi... hulaan kung sino sila hahaha...

womanwarrior - yup, isa siya sa tatlo. galing lola!

emoterang nurse - noseblood! ahahaha!!!