Monday, September 22, 2008

Tama Man Ang Bato, Nasa Sasambot Pa Rin

Isa sa mga hindi ko ipagpapalit na moment ay iyong sobrang uhaw at gutom ka dahil kagagaling mo lang sa motel paglaro ng apoy basketball. Tumatagaktak pa ang pawis ko habang nakapila sa isa sa mga fast food chain na nag-aalok ng bottomless drinks noon.

Miss: Good afternoon, sir! Welcome to Carl’s Jr.! My name is Carla (hindi totoong pangalan), may I take your order?

Ako: Miss, isang order ng chicken meal ninyo. Puwedeng breast? Iyong malaki.

Tulala si Carla sa narinig.

Carla: ...

Ako naman ay nagtaka kung ano ang nangyayari sa kanya. Nang biglang yumuko ang binibini at tila nakatingin sa hinaharap niya.

Ako: ...

Sa iyo miss, kung nababasa mo man ito, ito lang ang mga masasabi ko:

1. Sana lang ma-realize mo na walang malisya ang pagkasabi ko ng order sa iyo noon.

2. Oo, napansin ko na malaki nga ang boobs mo pero tingin mo ba iyon ang nasa isip ko noong tinanong mo kung ano ang gusto kong bilhin sa lugar na iyon?

3. Hindi ako pumunta sa isang fast food chain para makita ang iyong balloons. Heller, may internet na kaya? Pagkain at inumin ang habol ko, intiendes?

Mabuti sana kung ganito ang nangyari:

Miss: Good afternoon, sir! Welcome to Carl’s Jr.! My name is Carla (hindi totoong pangalan), may I take your order?

Ako: Miss, pabili nga ng dalawang papaya. Dalawang MALAKING MALAKING PAPAYA! Dagdagan mo pa ng gatas ah? Iyong kapipiga lang.

Habang sinasabi ko iyon ay nakatingin ako sa name plate mo habang nagtutulo ang aking laway nakalabas ang dila at itataas ng mabilis at dalawang magkasunod na beses ang aking mga kilay.

SIGURO pupuwede pa.

Hindi ko makakalimutan ang mga natutunan ko noong araw na iyon:

1. Upang hindi ka mahusgahan ng mga tao na katulad ni Carla, siguraduhing hindi nila mamimisinterpret ang mga salita mula sa bibig mo. Kahit na wala kang malaswang intensiyon, umiwas ka na lang or mag-ingat sa mga bibigkasin mo at baka duraan nila ang inumin mo.

2. Huwag kalilimutang banggitin ang salitang "part" lalo na kung breast ng chicken ang iyong order at malaki ang suso ng kausap mo.

Halimbawa: Miss, isang order ng chicken meal ninyo. Puwedeng breast part? Iyong malaki.

3. Kapag ikaw ay nagugutom at nauuhaw, hindi mo na papansinin ang libog.

Tama ang sabi ng mga nakakatanda, iba na talaga ang mga kabataan ngayon.

24 comments:

ayzprincess said...

napaghahalata ka chie.. defensive ka pa.. hehehe

o pwedeng malisyoso lang talaga sya
ahihih

The Gasoline Dude said...

Buti hindi ka nasampal. *LOLz*

Axel said...

Siguro kahit ako si Carla (hindi nya tunay na pangalan) mababastos din ako sa sinabi mo...

Sayo ba naman manggaling ang mga katagang iyon eh... Hehehe... lolz

Abou said...

cno me sabi na kahit gutom ka at uhaw e palalampasin mo ang libog? ha ha

womanwarrior said...

mamimis-interpret ka na naman sa sinabi mo...

gutom sa ano?

uhaw sa ano?

:)

antuken said...

hahaha. pagbigyan mo na. malamang kse sanay na sya nasasabihan kse nga malaki yung boobies nya.

buti na lang di malaki yung saken. yun nga lang lagi akong nasasabihan ng humarap daw ako (eh nakaharap naman ako!). hahaha.

http://lethalverses.com said...

wahahahaha!!!

mas masagwa naman siguro kung ang sasabihin mo, gusto ko ng suso miss... ung malaki.


teka, since nde mammal ang poultry, maaari bang gamitin ang salitang suso upang umuri sa bahagi ng manok?

chroneicon said...

ayz - malisyosa lang siya, pwamish...

gasdude - eh kung siya ang pagsasampalin ko? joke lang hehe...

axel - pare, ang mapapansin ko sa iyo ay iyong buhok mo sa dibdib! peace!!!

abou - ako lang ba? shet, i'm not normal ahaha...

womanwarrior - waah! wag ganun :(

antuken - aba, feeling pala siya e. hehe... kung hihirit naman ako tungkol sa boobs nya, sisiguraduhin kong d nya magegets ehehe...

lv - congrats sa datkom mo. magandang katanungan iyan. google natin hehe. breast pwede, ewan ko lang suso...

Espie said...

Ngayon alam mo na pare kung sino talaga ang manyak. Nyehehehe...

UtakMunggo said...

or.. "pecho" na lang ang i-order diba? hehe

langya chrone naglaway ako sa siken ah. sarap kasi ng siken diyan sa atin, fried man o inihaw.

hmmm.. baka naman kasi hindi ka innocent looking nung araw na iyon? ay may susumbong ako sa iyo kasi may nasagap akong cheese d2:

http://hachipatuchi.blogspot.com/2008/09/mirror-mirror.html

PoPoY said...

shet chie ang galing mo magimbernto ng pangalan. Carla na taga Carls Jr. lols

tama ka nasa tao talaga ang pagiging malaswa. buti na lang ako malinis ang nasa utak :)

taps said...

ayos... malaking dibdib...

chicken breasts.

ang bastos nung cashier!

Leyn said...

hahaha. kasi naman ang words swak na swak!

na-iimagine ko pa yung reaksyon mo, walang ka muwang muwang.

JoShMaRie said...

haha. natawa ako dito. :)

Pedro said...

dapat kasi pekpek na lang inorder mo. yung malaki

typo shit! pakpak pala.

damn these fingers!!!!

eiyelle said...

nyahaha! bangis ng imagination ni ate..cguro siya ay sexually preoccupied nung mga oras na iyon, tapos nakita niyang pawisan ka pa.hehehe!
may mga tao lang talagang "t.h.' kahit hindi adik :)

neuroticsister said...

ahahay! ang saya naman ng experience mo parekoy! haha kung maganda yung chick palampasin mo na... kung hindi sabihin mo buti na lang at may hinaharap siya! haha

o kaya naman... hindi niya alam na may breast part ang manok? hahaha feeling... ahahaha

chroneicon said...

espie - basta ako inosente. kilala mo naman ako... *whistles*

utakmunggo - nabasa ko po iyan haha... and totoo iyong post ni M ahaha!!! kapag sa Jabi at Mcdo umorder mga tao, bihira mo marinig ang salitang pecho. pero kapag sa Bacolod Chicken Inasal, puro pecho naririnig ko. pansin ko lang hehe...

popoy - salamat popoy! la akong maisip na ibang pangalan e ahaha!!!

taps - sinabi mo pa. hindi naman ako mukhang manyak noong araw na iyon.

leyn - promise leyn, napag-isip ako noon. may nasabi ba akong masama? tapos, ting!!! ok fine miss wa-ever yaya...

joshmarie - naku madam, salamat at natawa ka and salamat sa pagdalaw.

pedro - putana! ahaha! natawa ako. mas gusto ko suso ng manok kesa pekpek este pakpak. matinong usapan iyan! hahaha

eiyelle - mga tao talaga no? tsk tsk, sana wala na lang malisya sa mundo... :D

neuroticsister - iyon nga ang masama e, hindi siya maganda! shet ang sama ko hahaha!

superboi said...

onga naman hahahah :))

Urban Princess said...

Natawa ako dun ah... hehehehe... malisyosa lang talaga siya... :) Hello... kahit saan ka mang umorder ng manok eh itatanong talaga nila kung breast, thigh, wing or drumstick ang gusto mo eh... :) (uy... affected...)

and about sa sinasabi mong hindi ka natatablahan ng libog pag gutom ka.... I beg to disagree ;)

chroneicon said...

superboi - di ba? di ba?!

urban princess - aba aba... hmm... napaisip ako dun ah :D

Urban Princess said...

hehehe... un kasi sabi ng kaibigan ko eh... :) hindi ako... hahaha! (yeah right...)

chroneicon said...

urban princess - sige payag. hindi ko iisiping ikaw mismo ang nagsabi, hindee!!!

napundingalitaptap said...

dami mo kasi alam!!!! ahaha!