Friday, December 12, 2008

Muntik Nang Maabot Ang Langit

Anim na taong gulang ako noon. Feeling ko ako si Superman. Suot ko palagi ang red and blue costume na regalo sa akin ng mga magulang ko. Nais kong subukan na tumalon mula sa bubong namin ngunit ayokong may makakita ng taglay kong kapangyarihan lalo na’t probinsiya ang aming lugar. Madaling kumalat ang tsismis at siguradong magugulo ang mga buhay namin.

Ngunit minsan talaga, kailangang gamitin mo nang wala sa oras ang kakayahan mo. Nakatambay ako sa tarangkahan namin at naglalaro ng dyiaydow nang makita ko ang isang tumatawid na kuting sa kalsada. Ang kuting na iyon ay bulag o kaya nama’y napuno ng muta ang kanyang mga mata. Basta hindi siya makakita sa aking pagkaalala. Biglang may paparating na tricycle at tila kuting rin yata ang nagmamaneho. Mukhang masasagasaan ang kawawang feline. Siyempre, bilang batang Superman (Superboy?), gumawa ako ng paraan para mailigtas ang buhay ng kawawang hayop. Tumakbo ako patungo sa kalsada, sinipa ko siya nang malakas para tumalsik sa damuhan at ako nama’y naiwang nakaharang sa daraanan ng sasakyang de-lata.

Miyaaawwrrrr!!!!

Skrrrtttsss!!!!

BLAG!





Mula noon si Batman na ang idol ko at maaaring doon nag-umpisa ang istorya ng paghihiganti ni Catwoman.

**********************************************************************************
Grade school. Sembreak. Nakatambay kaming magkakabarkada sa bahay ng isang kaklase. Lahat kami mga lalaki noon, ngayon may binabae na. Ilang mga kabataan na nasa murang edad at mga inosenteng nangagarap na mamulat sa kamunduhan. Walang ibang tao sa bahay at aksidente naming nakita ang isang 'educational' video. Do the math-sel (tut tut tut turut turut tutut). Agad namin isinalang ito sa vhs. Ito ang hindi puwedeng ituro sa loob ng paaralan na kailangan naming matutunan. Para kaming mga cavemen na nakadiscover ng apoy.

Ako: aru ruba agi buga buga apuy.

Klaysmeyt1: higi hu-wa subatuta ay layk ay layk.

Dinaig pa namin ang senado sa tindi ng pagtutok sa palabas at talagang tiniyaga namin ang rewind at fast forward functions ng player. Sa tuwing nakakakita kami ng mga 'papaya' at mga 'pusa' na hindi basta-basta makikita sa palengke at kalsada, napapasigaw kami dahil sa mga bagong tuklas na kaligayahan.

Biglang bumukas ang pinto ng kuwarto ng tito ng kaklase ko. Sabog ang hitsura at tila bad trip dahil nabulabog namin ang kanyang pagtulog.

Tito ni klasmeyt: putang ina! hindi ba kayo diyan tatahimik?!

Habang sinasabi niya iyon ay may hawak siyang baril at itinutok sa klasmeyt ko.
.
Kung hindi lang ako nabangga ng tricycle ay haharang sana ako sa gitna para masangga ang bala. Salamat nga pala manong na may muta sa maagang pagmulat sa akin. Hindi naman kinalabit ang gatilyo ngunit natahimik talaga kami noon. Ang kaklase ko namang tinutukan ay sanay na. Tila nakabaon na punyal ang titig ng kanyang mga mata sa baril.

Ipinagpatuloy namin ang panonood sa ibang bahay.

**********************************************************************************
Taong 2000. First year college. Papaubos na ang pera ko at hindi pa panahon para magpanggap na callboy. Alas kuwatro pa lang ng hapon. Kung kaya naisipan kong maghanap ng atm at tingnan kung pumasok na ang allowance ko.

Naglakad ako patungo sa atm na malapit sa eskinita. Isang kanto mula sa roon ay may nakita akong tambay na naninigarilyo. Tila ipinaglihi sa gym dahil sa laki ng katawan. Mahaba, kulot ang buhok at isang linggo na yatang hindi naliligo dahil parang diaper na ng sanggol ang kanyang puting sando. Pasimpleng sulyap ako sa kanya samantalang siya ay matagal nang nakatingin sa akin. Hindi ka maaaring magkamali na may masamang balak ang taong ito at kung ipinagpatuloy mo pa ang pagkuha ng pera ay isa't kalahating tanga ka na.

At pumunta pa rin ako sa atm. Nakuha ko ang baon ko para sa buwan na iyon. Kalalabas pa lang ng pera mula sa makina ay nasa likod ko na ang tambay at tinutukan ako ng icepick sa leeg. Ito ang mga sumunod na tagpo:

Tambay: Bosing joldap itech! Wish ko lang wiz ka na shosholag para waz ng umabagan!

Ako: Anda ba or notring ang jonap miz?

Holdaper: Knows mo bey na booking ang jonap ko? Nasa fezlak ko bang badingerzzie akiz?

Ako: Sorry naman koya! Ka fez mo kasi yung mga goonellias sa filmsarru ni Da Khing noh! Cencia! Wit ko knowing!

Holdaper na maton: Give love on Christmas day mo na sa akembang ang bonggang 3210 na ketai at walley mo!

Ako: Plangak! Keri! Yaanchi na!

Nakuha ang pera at selpon ko ngunit hindi ko ibinigay ang aking puri. Hindi rin naman kasi siya nagtangka lols.

**********************************************************************************
Ang mga istorya na inyong nabasa ay hango sa mga tunay na pangyayari ng manunulat at nilagyan lamang ng konting kakulitan. Ito rin ay tugon sa hinog na NDE tag ni lethalverses sa akin.

23 comments:

Abou said...

kusa mo na lang sana binigay puri mo at baka kahit celphone e naisoli nya sau ha ha

ke laki ng katawan nanghoholdap

damdamn said...

"Mahaba at kulot ang buhok at isang linggo na yatang hindi naliligo.." HOY M! balik mo yung pera ni chie at ang cellphone nya! sabi ko naman sa iyo wag mong husayan ang arte.. naniniwala agad sila looks pa lang e..

teka, pero natutuwa ako at nagbalik ka na gurl! o ingats lagi! XOXO!

pb said...

eto lang masasabi ko...

chie, mag bago kana... wag kang masyadong ma-L...

maLandi... ang bading bading na nga lenggwahe mo. haha

es said...

minsan kala natin sa mga pelikula lang nakikita ang mga ganitong eksena pero totoong nangyayari talaga sa tunay na buhay.

at least di boring life mo ha!:D

back for good...

ayzprincess said...

ano ang tarangkahan?

natawa ako sa comment ni damdam, si m pala ang nakatangay ng pera at selpown mo. ahahahah

ok lang chie, buhay ka pa naman e.. :D ahihih

UtakMunggo said...

lols at isa pang lols.

naimagine ko yung palitan ninyo ng holdaper na totoong ganun na nga ang lengwaheng gamit nyo.hehe..

nakakatakyut naman yung tito ng klasmeyt mo. adik yata yun ah.

alam mo, speaking of pusa na hindi basta bastang nakikita sa palengke at kalsada, yung mga ganung pusa sa bangkok eh marunong humithit ng sigarilyo at magbukas ng 8 oz na bote ng coke. yes! the pusa itself! my goodness yon ang eksenang hinding hindi ko malilimutan at hinding hindi ko gagayahin kahit kelan. lols.

~yAnaH~ said...

kering-keri ang baklang pananalita.. dinaig mo pa ako na isang babaeng bakla sa pagsasalita hahaha

i wont say keep it up.. hahaha

beero said...

haha. ayos to chie! laff trip yung last episode (at parang pelikula ang pinanuod ko). lols.

pEyt(faith) said...

paki translate yung iba...hnd ko naabsorbed ang bonggang bongga mong lenggwahe...hahahah

mabuhay ka chie!^_^

FerBert said...

ay sister winnie monsod ititch.. akesh wit pa najoldap kase naman look naman at me jubis akesh at try lang nilang akong joldapin kung di ko jombagin ang beauty nila at gawing eva kalaw ang drama ng feslak nila.. pero korak yung ginawa mo.. wit ka na fight kase baka life mo na ang getchakin ni joldaper.. bongga

Urban Princess said...

tsk tsk tsk... ang pipilyo ng mga batang ito... makurot nga sa singit... ammmmmmmmmmm.... :) (paheram naman ng tape na yan)

shayleigh said...

hahaha!! ang saya ng kwento, kahit pa sabihing tag ng NDE ito. Ng haluan ng kakulitan... wari ba'y isang kwentong kathang isip lamang.
Tama na sanang napansin mo si M ng malaki pa ang katawan... bakit kasi ipinagpatuloy pa ang pag withdraw.. tsk! tsk! hehehe! nweis, 'm glad na hindi ka na nakipagtalo mamang un... kundi wala sang makulit na jabee sa blogosperyo... ^_^

Mumu said...

bahaha! naaliw ako dito xD daig mo pa yata yung may totoong judingz sa dami ng alam mong language nila ah =))

lethalverses said...

meron akong tatlong masasabi sa lathalang ito ng kaibigan kong si sikatso...

una : ano ang nangyari sa pusa na sinipa mo? nabuhay ba naman dahil sa pinsalang tinamo sa pagsipa mo?

pangalawa : tama nga na si M ang holdaper na yun... nung mga panahong hindi pa sya nadadalas sa self gerger kaya malaki pa katawan niya.

pangatlo : shingina mitch ang ending moment ng post mo evah! knows na knows na badingerzie ka chie! buti na lang witchikelles akiz na kekering badittchi kahit slight, witchikelles ko knowsing yang ganyang gay lingo! pwamis cross mo ang wetpaks kiz!

chroneicon said...

abou - wish ko lang sister ahaay!!!

damdamn - haha! hindi si M to no. baka bugbugin nya ko pag sinakyan ko trip nyo ahihi...

pb - mabuti na ang ma-L kesa hindi?

es - oo nga. well, sa reyalidad din naman nagmula ang mga palabas di ba?

ayz - gate po :)

utakmunggo - so kelan tayo pupunta bangkok para manipa ng pusa? lol!

yanah - keri lang gurl!

beero - salamat bosing at naaliw kahit papano hehe

peyt - cge, send ko sau. wait lang!

fb - jolamat sa pag readabells bosing, knows mo namang tayetch na truliling mga lulurki, witchikelles lang jopat sa biggie ever ang bortawan and sa biggie ng maselya at malong kinekeri, dapat keri din sa question and answer portion at pag ka brainy! I keme mo jan pakiss pare!

urban princess - eee! masakit... mabitin lol!

shayleigh - ayun nga, dun na nag-umpisa ang katangahan ko

mumu - salamat po sa dalaw. balik lang :D

lv - buti na lang budi fit and outfit miz at long hureret ka pa naman, buti na lang witchikelles ka knowing sa gay lingo kungdi slight ko jisipin na truliling dinggerzie ka, pag back to back brokeback tayung na-ergo at pinachuvanells kiz sayo yung sabon, witchells ko pa rin givsung ng malisya keme.

Jex Saah paahk said...

hay nakicht dpt sa mga jodaper na yan e jombagin sila ng super ala tlga cla majowa sa chenlyn nila nho, pti b naman ng baklush e jonojumwet nila mga churvaness na mga judaper 2 ah itsura nila hmm!

hay nko kalimutan mo n lan etech otei?!?

Kirk said...

syet nahilo ako sa konverseysyon niyo nung holdaper. 3210, year 2000? high end pa yun ah. buti ako hindi pa ako nahoholdap, muntik muntikan palang.

prinsesamusang said...

sinipa mo ang kamag anak kong kuting chronics? oh my gad. nga pala, sani ni piapot you are asking for my mail daw? it's prinsesa_fajardo@yahoo.com

napundingalitaptap said...

AHAHAHa. . .

M: pumunta ka kela chie, para wag ka namang malungkot dyan nayun pasko

NA*: di ako papayagan, pasko kaya

ayun, pero buti napadaan ako sa blog mo, napasaya ako...TOTOO. salamat!

happy birthday Jesus.

flyfly!

napundingalitaptap said...

teka, at bakit marunong kayong magsalita ng ganung lenggwahe? i can't barely think. ahaha!

emoterang nurse said...

shet kailangan ko pa basahin ng dalawang beses ang usapan nyo nung holdaper... bading na bading eh...wahahaha

Saminella said...

hindi ko binasa ang haba eh.

























walalang dumaan lang ako literal. =)

lyzius said...

chie,

sa mga barkada mong puro lalake nung kabataan mo, na me binabae na ngayon...

ahhhhmmmm...ikaw ba yun?

nagtatanong lang...

salamat!