Monday, February 2, 2009

Greenies sa Golden Acres

Last year, dumalaw sa Pediatric Wards 9 and 11 ng Philippine General Hospital (PGH) ang mga Greenies. Dahil isa ako sa mga nag-ayos ng activity na ito, marami ang nagtanong sa akin: Kailan at saan ang susunod na outreach? Ito lang ang naisagot ko:

Malay ko!!!

Joke lang. One ordinary and not so normal day, nabanggit ni Cyberlola ang Golden Acres. Noong kabataan niya pala ay madalas siyang (kasama ang mga amiga) dumadalaw sa lugar na iyon. At iyon na! Nitong nakaraang November 17 ay inumpisahan na namin ang paghahanda para sa outreach.

Marami ang gustong sumama at ako naman’y tuwang-tuwa dahil isa na naman itong pagkakataon upang makapagpangiti kami ng mga tao kahit sa ilang oras lamang.

Pinuntahan namin nina Cyberlola ang Golden Acres upang makakuha ng sapat na impormasyon para sa mga kakailanganin ng project na ito. Maraming residents ang lugar na ito. Karamihan sa kanila ay malalakas pa at sadya lang talagang iniwan ng mga kamag-anak nila. Hindi ko makakalimutan ang isang lola na inabangan kami sa labas ng opisina ng nasabing lugar.

Nakangiti siya at pinalapit kami sa kanyang kinauupuan. Bakas sa mukha niya ang kaligayahan marahil dahil mayroong siyang mga bisitang makakausap. Tulala ako. Naramdaman ko ang lungkot na anino ng kanyang effort na puntahan kami. Mabuti na lamang at kinausap ni Cyberlola ang matanda. Salamat at may kasama akong beterana sa ganitong gawain. Hihi.

Ilang minuto pa at nagpaalam na kami sa lola at ang tangi niyang tanong ay: Kailan kayo babalik? Ito ang tanong na muntik na ako maluha. Ang hirap ipaliwanag pero kung nandoon kayo ay maiintindihan niyo siya. Ang mga tao na nagbuhos ng maraming pagod upang maipalaki ang kani-kanilang mga anak na may mga maayos na buhay. Ang mga nanay at tatay na maraming sakripisyo ang inalay upang hindi mahirapan ang mga taong nagmula sa kanilang mga dugo. Ang mga magulang na pinaliguan ng pagmamahal ang kanilang mga supling. Sila ngayon ay inilagay na lamang sa lugar na ito. Hiwalay sa kanilang mga mahal sa buhay.

Ipinangako namin na babalik kami.

Kumpleto na ang datos na kailangan ngunit may isang malaking problema. Pagkain. Mahigit 200 ang residente ng Golden Acres. Walang sapat na pondo ang Greenies upang maghanda ng pagkain para sa kanila. Mabuti na lamang may mga mabubuting puso dito at sa ibang bansa na nagbigay ng monetary donations upang matuloy ang activity. Hindi ko maipaliwanag ang ngiti at utang na loob ko sa kanila. Masaya ako sa tiwala na ibinigay nila sa aming paghawak sa kanilang mga salapi. Silang mga nakilala ko lamang sa internet at kung personal ko mang nakasalamuha ay ilang buwan pa lamang. Maraming salamat sa tiwala.

January 24, 2009. Handa na nga ba ang lahat? Marami ang pumunta at nagbigay ngiti sa mga lolo at lola na naninirahan doon. Nagkaroon ng munting palaro at namigay pa ng mga premyo. Maayos namaing naipamigay ang mga pagkain. Nagkaroon pa ng guest appearance si Jollibee (hindi ako!) at inaliw ang mga tao doon. Sari’t saring kuwento ang naibahagi sa amin ng mga tao doon. May nakakatawa, may nakakaiyak at ang lahat ng mga ito ay hindi namin makakalimutan.

Noong paalis na kami ay muli naming nakita ang lola na kumausap sa amin noon. Iba ang nakita kong ngiti sa kanya. Tila nabawasan ang pagkaulila. Siguro dahil sa tinupad namin ang aming pangako.

Nagpapasalamat ako sa lahat ng mga tumulong at pumunta sa event na ito. Alam nyo na kung sino kayo. Abangan nyo lang ang mga susunod na outreach sa Greenpinoy Forums.






Mabuhay kayo!!!

9 comments:

damdamn said...

yehes! ang galing galing naman! salamat ulit chroneicon sa pag aayos ng outreach na ito. at sa mga nag donate sa greenies family, muli, maraming salamat. di namin to magagawa ng matagumpay kung wala ang tulong ninyo.

o san na next natin? malay? howkei! suggest naman kayo!

nga pala....
bakit hindi yung pic na kasama natin si jabi ang nilagay? ayaw mo noh?! ayaw mong asarin ka noh?! noh? noh? joke lang eheheh.. (kasi yan yung may sign ng golden acres? fine. fine)

UtakMunggo said...

ang kyot ng lolong naka-green at ng lolang naka-white na magkatabi. ilang taon na sila? 80? groovy pa den ah. may pa-shades shades pa.

pangarap kong maka-participate sa mga ganitong outreach. sana makalahok rin ako sa inyo one of these days.

prinsesamusang said...

ang cool naman! nakakatuwa naman kayong mgnag ooutreach, sana madami pa ang mga outreach na magawa ninyo. sana makasama din ako next time pag merong ganiyan dito samin. kaso hindi yata masyadong uso eh, o baka hindi ko lang nalalaman.

lethalverses said...

para sa mga ganitong outreach ...para sa kapakanan ng mga kagaya ni balagbag...

itaas mo!!!

damdamn said...

dear UM, hanggang dito ba naman! ahahaha.. sige humanda ka.

M said...

Oo mudrax UM, yun lang din ang mga tipo ng lolo na nagbablog at nagpe-plurk kaya todo grooviness yan. Sa susunod na sasama ka, iiwan ka na namen don, ahahaha.

= = = =

Oo nga, masaya at matiwasay at nakakataba ng damdamin ang ganitong klase ng aktibidades. Syempre di lang sa kakulitan papalo ang Greenpinoy, sa kabutihang-puso din at teh works!

Salamat sa lahat ng partisipantes at tulungeros at doneyteros! Mabuhay kayo! Mwuah! Xoxo! Kapag ako ang tumanda, suportahan nyo din ako ha!

es said...

natutuwa ako na may mga taong tulad mo na may laging magandang hangarin sa kapwa. nalungkot ako sa kwento mo, hindi ko akalain na ganun pala ang feeling ng mga taong napabayaan na ng kanilang mga anak.

sana magpatuloy lang kayo sa inyong mithiin. God bless!

PS. boses mo 'tong kanta sa site mo?hehe!

chroneicon said...

damdam - walang anuman! at di ko pa alam kung saan ang next. suggest kayo.

(annoyed)

utakmunggo - uwi ka na kasi para makasama ka namin hihi...

prinsesamusang - tingin ko naman meron diyan sa inyo. ask ka lang sa mga tao. meron iyan! ;)

lethalverses - salamat sa pagpunta at sa pagsingit nito sa sked mo :)

M - maraming salamat sa pagpunta nang maaga. yahu! di xa late :D

es - salamat! wish ko lang boses ko nga haha

UtakMunggo said...

dear M,

nyemas. hindi pa ako hinog para iwan diyan.