Thursday, April 24, 2008

April 24 Ngayon!



Kaarawan ng aking minamahal na mother ngayon at siyempre kailangang katangi-tangi ang post ko.

Alam ko na hindi siya nagbabasa ng mga inilalathala ko sa blogosperyo dahil marami siyang pinagkakaabalahan sa buhay na mas importante (at para na rin sa aming ikabubuhay). Subalit nararapat lang na ipaalam ko sa mga sumusubaybay (at para namang meron ) sa blog ko kung gaano ko siya kamahal at kung gaano ko ipinagyayabang ang mga nagawa at ginagawa niya para sa aming pamilya.

Ang mama ko ang tao na may pinakamahabang pasensiya sa mundo. Noong musmos na batang paslit pa lamang ako ay nasa siko ang isang mata ko, nasa kanang hintuturo ang bibig ko at ang kili-kili ko ay naman nasa tuhod. Ngunit sa kabila nito ay pinagtiyagaan niya ako at unti-unting hinubog na maging tao. Nabago niya ang pagiging halimaw ko. Pinalaki niya ako na may tiwala at pagmamahal sa sarili. Tinuruan niya ako nang tamang paggalang, respeto at pakikitungo sa kapwa.

Ang nanay ko ang pinakaunang tao na pumigil sa akin na mag-artista. Hindi naman raw sa pangit ako. Ayon sa kanya, kayang-kaya ko naman raw pantayan ang pagmumukha ni Clint Howard (tingnan ang larawan sa baba) ngunit ayaw niya na makarinig ng mga tsisimis na nag-uugnay sa akin sa iba’t ibang mga babae. Iyong tipong ngayon ay napapabalita na lumalabas raw kami ni Angel Locsin tapos sumunod na linggo ay kami na raw ni Marian Rivera. Isang buwan pa siguro at posibleng iulat na kasal na kami ni Scarlett Johansson. Ayaw lang niyang mabahidan ng mantsa ang aking good boy image. Sumasang-ayon naman ako doon.


Clint Howard

Okay, balik tayo sa realidad.

Masayang masaya ako at siya ang aking naging ilaw ng tahanan. Sa kabila ng aking pagiging sakit sa ulo at sa dinami-rami ng aking mga pagkukulang sa kanya, hindi niya naisipang paluhurin ako sa unan na naglalaman ng bubog at sa halip na pamamalo ng latigo at pagbuhos ng asido sa puwit ay binusog niya ako sa sermon at pangaral. Inakay niya ako sa mga lansangan ng buhay nang wala man lang hinahanap na kapalit.

Tulad nga ng sinabi ko kanina, dito ko ipapaalam sa lahat ang iyong kabutihan at pagmamahal na halos lunurin ako. Kulang na kulang ang space ng blog na ito para maipahayag ang pagmamahal ko sa iyo. Higit pa sa bilang ng mga letra sa post na ito ang bilang ng mga sakripisyo na nagawa mo para sa amin. Saludo po ako sa iyo. Mahal na mahal ko po kayo.

Kaya para sa iyo ‘Ma, happy birthday po! Paburger ka naman! Burger! Burger!

19 comments:

jeckyll27 said...

happy birthday, mama ni chie! hehe

burger! burger! burger! burger!

wag yung mcdo, yung sa jollibee para hindi mag-traydor si chie sa kamukha niya. hahaha!

ayoko rin mag-artista, tyak na wala pang isang buwan baka nabuntis ko na si maja salvador o nikki gil. wahaha.
okey, balik trabaho na. LOL

RJ said...

happy birthday sa iyong inang pare! swerte sya sayo at nagkaron sya ng anak na mapagmahal at matakaw sa burger. hehehe. =D

pEyt said...

apEe bErtdEy sa iyong mAma!!

tama ang hula ko, hindi ka nga tao!!!ahahah kung san san nakalagay ang mga parts ng katawan mo.,
hindi ka normal!!!hinde!!!ahahah-apir-

karen said...

oist nisama kita sa rolling stones ko hehe ;P

The Gasoline Dude said...

I-update mo naman kami kung san ka nilibre ng nanay mo.

(Parang baligtad ah.) Hehehe! = P

ava lyka said...

hmm. ayos sana ang ending. kaso corny!! ahaha.. maligayang kaarawan sa iyong mother dear! hmpf!

chroneicon said...

@ jeckyll - pumila ka kay Maja! PILA!

@ rj - salamat

@ peyt - apir! ang siko ko naman ay nasa paa. haha!

@ karen - salamat

@ gdude - layo pare. nasa bicol siya e. dito ako manila =(

@ ava - thank for your honesty. i like it. really =)

The Gasoline Dude said...

Hoy mga Panget, una ako sa pila kay Maja Salvador! Dun kayo kay Judy Ann pumila! = P

neens said...

happy birthday to your mama!

Richard the Adventurer said...

Happy Birthday to your Mom.... Hehe :)

RJ said...

hoy mga manyak.

dun kayo kay angelica jones, akin si maja! hahaha! =D

emoterang nurse said...

ipabasa mu ito sa nanay mo para lahat ng nagcomment may burger...
yun yun eh, ang nanay mo pala manlilibre...update mu na lang kung san manlilibre mother mo...:)

Mariano said...

Swerte na ata ako dahil isa na siguro ako sa mga nilalang na nakapagbasa nito bago pa man ito mailathala dito sa blogspot.

Pang MMK ang sulatin mo, baka manalo ka dito kung ipapadala mo at baka gampanan pa ni Richard Gutierrez ang papel bilang ikaw. Or baka si Roderick Paulate na lang.

Maswerte ang nanay mo at nagkaroon siya ng anak na tulad mo. Di ka man sikat, anak ka pa din ng nanay mo.
Congrats sa kanya! At maging sayo na din Boss Chroneicon.

kurisujae said...

Belated Happy Birthday kay Mommy!

dumaan lang at nakikain ng BURGER...

linglingbells said...

naks magpapaburger ang iyong mama! burger burger!

haberday sa mama mo! salamat at nahulma ka niya bilang tao.. ang galing niya! lol

chroneicon said...

sa lahat, maraming salamat sa pagdalaw at pagbati =)

shayleigh said...

Happy Birthday Mommy!!!
heheheh!!!
ka sweet na anak naman nito.. un lang... dinaan sa blogosperyo ang pagbati... sana mabasa ni Mommy... hhehehehe!!!

kurisujae said...

thanks for dropping by. care for x-links pare?

ayos!

ToxicEyeliner said...

HAPPY BDAY SA MOM MO!!!!!!!!!!!!
I'm sure happy siya na kahit papano sikat ka sa malinis na paraan... Maraming pinoy ang pinasasaya mo--lalo na ang mga bata!

GO JABI!!!!!!!!!!!!!!!!!
GO MOMMY NI JABI!!!