Wednesday, April 16, 2008

Paglipas


Muli, napasyal ako sa lugar kung saan tayo unang nagtagpo. Isang simpleng coffee shop kung saan libo-libong kuwento ang maririnig at mararansan na animo’y sa mga pocketbook lang mababasa. Bahagi tayo ng mga kuwento dito. Naupo ako at inumpisahang inumin ang kape at kainin ang croissant. Pinagmasdan ko ang liwanag ng araw na unti-unting naglalaho sabay nang panghihina ng aking loob. Bumalik sa isip ko ang nakaraan na humubog sa pag-iisip at pagkatao ko ngayon.

Muling sumakit ang mga sugat na iniwan mo. Ipinagtapat ko noon sa iyo ang lahat. Nagkamali ako sa pag-aakala na gagaan ang lahat pagkatapos kong ipagtapat sa iyo ang nararamdaman ko. Bakit ganito? Nakapatong ang mundo sa akin. Hindi ako makahinga. Parang katapusan na ng lahat.

Alam ko na noon ang mangyayari. Mabibigo at masasaktan lang ako. Ngunit wika nga nila, “no pain, no gain”. Ngayon minumura ko na ang clich√© na iyan. Alam ko namang iba ang iniibig mo. Nais ko mang suklian ang ngiti na ibinibigay mo sa akin ay hindi ko magawa dahil mayroon nang iba na nagpapangiti sa iyo. Tanging hiling ko lang ay mahigitan niya ang wagas at walang kondisyon na pagmamahal na ibinigay ko sa iyo. Mahal kita. Alam ng Diyos kung sino ka dito puso ko. Ngayon, alam ko na kung bakit may T.I.I.S. (Tang Ina I’m Single) at kung bakit may nagpapakalunod sa alak.

Ngayon, sumuko na ang haring araw sa paparating na gabi. Ubos na rin ang aking inorder. Napansin ko ang mga tulad kong walang kasama. Bakas sa pinta ng ngiti nila ang pag-asa at pagmamahal sa kabila ng kanilang pag-iisa. Natauhan ako. Pansamantala akong naging tanga. Kailangan kong kumilos kahit ako ay nag-iisa. Mayroong tao na mas nararapat na pag-ukulan ko ng pagmamahal ko at susuklian naman ng pagmamahal niya. Hindi ko kailangang magpaiwan sa biyahe ng pag-ibig dahil may makakasama at makakasabay pa ako sa ‘di kalayuan. Hindi porke’t wala na ang Basketball TV sa Sky Cable ay kailangan ko nang isara ang telebisyon dahil may iba pa namang channels.

Konting tiis lang. Hindi ko rin kailangang maghintay. Darating na lang siya. At umalis ako sa tambayan natin na may ngiti sa puso.

19 comments:

Espie said...

Grabe ikaw ba ito pare?(NO WAY!!!) ndi lang ako sanay makarinig sa iyo ng mga ganito..

Dakilang Tambay said...

hay... T.I.I.S - naalala ko ang status ko dati! :) at masarap mag-isip isip ng maraming bagay habang nainom ng kape

The Gasoline Dude said...

Huwaw! Pwede mo nang i-dethrone si Gilda Olvidado sa pagsulat ng Valentine Romance Pocketbooks. Nyahaha joke lang! Hehehe! = P

chroneicon said...

@ espie - ako ito pare. kahit mukha akong upuan, kaya ko gumawa ng ganito..

@ dakilang tambay - welcome back po!

@ the gasoline dude - hindi ko siya kilala harhar...

R.J. said...

nakakaiyak dude. dumaan din ako sa pagiging maTIISin. hehehe pero enjoy lang. =D

GODDESS said...

hay... hanggang kailan kaya tayo magtiTIIS?? (parang napakalaswang basahin ah??!!?!)

hang in there, parekoy! tama ka, darating din siya.. malay mo nasa tabi tabi lang.. =)

emoterang nurse said...

hindi ko alam na may ganitong side ka pla chroneicon...
mukhang matindi ang sugat na dulot nya ah...
pero tama yan, may dadating at papalitan ang lugar nya...
ok lang yan TIIS k muna...
u'l find her...sumone u deserve and sum2 dat will love you...
teka, tama na nga yan...
mag pa burger ka na lang...
burger!!burger!!burger!!
hahahahaha.... :)

ToxicEyeliner said...

aww... a serious side ...

tama ka... bkt mo pipigilan sarili mo sa panonood ng cinema one purket wala na ang tambalang aiza at spencer... di ba? napalitan naman na ng bago kaya may bgo kang i-loo-look forward to =)

marian said...

that's the spirit.. :)

you'll get there...

bring back your magic.. :)

lethalverses said...

marami pang nagugulat sa iyong husay at talento sa ganitong larangan ng pagsulat.

ngunit kilala kita, kaibigan.

si chie ay malalim, marunong at mahusay na tao.

(in short, bukod sa kagaguhan, may seryosong side din ang taong yan hehehe)

chroneicon said...

@ rj - napaiyak ba kita? hug kita pare... walang malisya. mga lalaki tayo dito

@ goddess - katabi ko dito ay upuan e. siya na nga kaya?

@ emoterang nurse - ikaw ang may utang na burger!!! haha!

@ toxic eyeliner - wala nang makakapantay pa sa tambalang "Spaiza"! WALA!!!!

@ marian - magaling na ako, nakalabas na ako ng bilibid!

@ lethalverses - si lethalverses, panginoon yan! magaling sa maraming bagay. isa-isahin ko ba?

pb said...

nakow... may ganun talaga. hmmm... tulad ng napansin ko sa inyong 2 ni gas.dude eh.. para kayung mga sira. inuuto nyo ung sarili nyo na makakahanap kayu ng ikaliligaya nyo pero alam nyo naman kung sino talaga. teka.. alam nyo nga ba? pero kung alam nyo naman tapos di nyo naman makuha, bay sige.. utuin nyo na sarili nyo, sasamahan ko pa kayu. nyahahhahaha. biro lang. yeah!

ToxicEyeliner said...

napanginipan ko si aiza kagabi at sina wowie at juday. sabi ni aiza "alam kong hindi ko na maibabalik ang dati... ito na ako ngayon e... pero sana mahalin nio pa rin ako..." para ata sayo ung message?

chroneicon said...

@ toxic - mukhang laging present sina juday at wowie sa panaginip mo ah. LOL!

@pb - si lethal yata ang tintukoy mo. hindi ako. ako, ok naman ako ngayon =D

The Gasoline Dude said...

Gusto ko lang i-promote ang upcoming movie ni Judy Ann Santos, ang "PLONING". Steph, alam kong manonod ka nito. Nyahaha! = P

karen said...

oi ok lang un! lahat ng bagay ay nangyayari sa tamang panahon..at lahat ng nangyayari ay may dahilan.

isipin mo na lang: ham yan! :P

pb said...

ah eh.. hihi. pero ang drama din ng entry mo eh. lahat nalang kayu. haha.
gusto ko ng talong, ng ampalaya at upo pero ayoko ng gulay. testing lang.

ToxicEyeliner said...

gasul -- meron pala talagng ploning!? hahaha... mas alam mo pa pla e

chrone -- woy ... si aiza ung lumabas noh! dalawang beses lang sina juday hahaha

Renei Almoneda said...

Bitin! Hahaha! :D *Clap clap* :)