Saturday, May 17, 2008

5.17


Timeout muna sa pangungulit. Medyo natagalan din bago ko ipost ito. Hindi ko matapos-tapos dahil pinangungunahan ako ng luha at emosyon. May namimiss lang kasi akong isang tao. Lalaki siya.

Oo, isang lalaki ang hinahanap-hanap ng aking puso. Hanggang ngayon hindi pa ako nakakarecover. Biglaan kasi ang pagkawala niya sa buhay ko at mundo. Naalala ko pa, college ako noon. Hapon pa ang pasok ko kaya’t tumambay muna kami ng barkada ko sa mall at naglaro ng Nba Live. Pagkatapos ng laro ay naglalakad na kami patungo sa exit ng mall. Biglang may tumawag sa cellular phone ko.

Tita ko ang tumawag. Binigay niya sa akin ang malungkot na balita. Agad kong tinawagan ang mama ko pero hindi ko rin makausap ng matino. Biglaan kasi. Atake sa puso. Naisugod pa naman sa ospital at sinubukang bigyan ng lunas ngunit talagang oras na niya. Patay na siya at walong oras ang layo ko sa labi niya.

Tulad ng isang pulubi, naghihintay ako sa limos ng iyong piling.
Araw-araw akong nagugutom at naghihintay sa hindi mangyayaring
pagbabalik mo sa mundo.


Mula Manila ay bumiyahe agad ako patungo sa Daet. Doon ko lang naranasan ang nag-iisip ng wala buong biyahe.Hindi ako naniniwala sa nangyari. Hindi tinatanggap ng sistema ko ang balita. Gusto kong magpaiwan sa panahon.

Derecho agad ako sa punerarya. Wala akong pakialam kung madapa ako sa daan o manakawan. Gusto ko lang mapatunayang hindi totoo ang balita. Pagdating ko roon ay tito ko ang unang sumalubong sa akin. Niyakap ako. Naluha na naman ako. Sa loob, nakita ko si mama at unti-unting akong lumapit sa ayokong puntahan. Doon na sumabog ang puso ko.

Tulad ng mga larawan, nakikita kita ngunit hindi nararamdaman.
Alaala mo na lamang ang nagbibigay buhay sa mga nabihag na
sandaling pagsasama.


Maraming akong pangarap na balak gawin na kasama siya. Hindi ko iyon nasabi lahat sa kanya. Maayos naman ang pagsasama namin pero kulang lang ako sa pagpapakita na mahalaga siya sa akin. Mayroon man akong sama ng loob ay hindi na namin ito maaayos. Ang tanga ko. Binigyan ako ng mahigit limampung taon para ayusin at pagandahin ang relasyon namin pero wala akong ginawa. Huli na nang marealize ko ito.

Nakabaon sa akin ang lahat ng pangaral mo.
Hindi ko makakaligtaan ang lahat ng pinagsamahan natin.
Mahal ko po kayo. Abangan niyo kami sa gate ah?

Happy Birthday Dad!

30 comments:

The Gasoline Dude™ said...

Pare ko, walang biro pero tumulo luha ko dito. May ala-ala na namang nagbalik sa 'kin. Ang sakit sakit... =_ C

Pero kung nasaan man ang taong tinutukoy mo dito, alam kong mahal na mahal ka nito at sobrang proud s'ya s'yo.

Anonymous said...

Naluha ako at naiyak......

Anonymous said...

chrone, parang may bumara sa lalamunan ko, yung mata ko ang init, lumabo na paningin ko, naluha na pala ko. tumagos hanggang sa buto ko. hayyy. may na miss kasi ako.

neens said...

hi chrone,

napaiyak ako sa post mo.

Happy bday, to whoever this post is for : )

GODDESS said...

insan, grabe... kakalungkot to... pewro katulad ng nasabi ng iba, alam kong proud syo ang taong pinagaalayan mo nito.

ingat palage!

Anonymous said...

bakit ganun no? may mga bagay na mahirap matanggap ng kalooban. marahil ito'y may mga bagay pa tayong hindi naipapakita, nasasabi o naipapadama sa kanila. subalit hindi ito dahilan para hindi mo na sabihin kung ano man ang iyong dinaramdam. naryian ang iyong pamilya. makita lang nila na minamahal mo ang pamilya mo eh masaya na sila na parang sa kanya mo rin ito inaalay. para sa iyo kaibigan, ipagdarasal kita at kung kanino mo man inaalay itong blog mo na ito.

Anonymous said...

naramdaman ko yung post mo pare. i was moved. belated happy birthday para sa taong inalayan mo nito.

RJ said...

ganun talaga, kahit nandiyan sila sa tabi tabi, hindi natin masabi ng harapan kung gaano natin sila kamahal. ang korni kasi. pero kapag wala na sila, pilit nating ibinabalik ang panahon pero wala na. pero kahit ang mahalaga, naparamdam natin sa kanila kung gaano sila kahalaga.

Anonymous said...

naiyak ako.HAPPY BIRTHDAY SA KANYA tol!

chroneicon said...

maraming salamat. lilinawin ko lang na tatay ko ang tinutukoy ko dito. senxa medjo magulo ung post. inayos ko na sa dulo.

emotera said...

pingilan ko maiyak sa post na ito...pero anu magagawa ko eh nakakaiyak talaga...

minsan talaga kung kailan wala na ang taong mahalaga sa tin saka natin narerealize ang mga pagkukulang natin...

kung asan man sya ngayon proud sya syo dahil sa post na ito...

damdam said...

gaya ng lagi kong sinasabi sa mga kaibigan ko.. ituring nating parang huling araw na nating makakasama ang mga mahal natin sa buhay araw araw..

oras ang hindi pwedeng ibalik.. at tanging alala ang pwedeng gunitain..

nakakalungkot.. iiyak na lang natin to.. wala na tayong magagawa.. ganun talaga.. :(

Anonymous said...

so sad. :(

*hug*

Anonymous said...

huhu kakalungkot naman!!! kahit nde mo nasabi sknya un mga dapat mo sabihin eh alam na nya un.. naramdaman na nya un!!!

karen said...

parang sa kanta ng "What Hurts The Most" by Rascal Flatts.

lahat ng nangyayari sa mundo o sa buhay natin ay may dahilan. hindi man natin ito matanggap sa ngayon, pero marerealize din natin ito sooner or later.

hindi mo man nasabi ang gusto mong sabihin, sa tingin ko alam na nya un. anak ka nya e.

;)

Anonymous said...

naman eh. to naman! hindi ganyan pagkakakilala ko sayo master chie! pero ganon talaga. kapag pamilya ng ang pinaguusapan, naaantig tayo. hay nako. :D

stay happy. panatilihin na lang buhay siya sa iyong puso sa pamamagitan ng pagtalima sa kanyang mga bilin. :D

ayzprincess said...

krasss.. hello.. nabasa ko na at last :D

halos maiyak din ako.. lalo na pagkatapos lang ng emosyonal nateng tagpo ngaung gabe :D (akala mo pelikula lang noh?!)

proud ako sayo! at alam kong proud din sayo ang daddy mo.. salamat kasi ang dami kong narealize sa mga sandaling kasama ko kayo :D

Dakilang Islander said...

man i got so emotional after reading this post....

Dakilang Tambay said...

naiyak ako. :(

:) said...

Chie! nakakaiyak naman post mo =( Don't be sad, I know that he's proud of what you've become. Dito lang kami for you, love ka namin!

PoPoY said...

is it ur dad??

am i correct, hes dead now???

sori to hear that chrone,w ell anyway, cguro masayan naman ang dad mo kung nasan man sya ngayon. at alam nyang iniwan nya kayo kasi nandyan ka naman at ibang kapatid mo para algaan ang mom nyo..

haaay... kakalungkot naman ang unang basa ko sa site mo

Espie said...

Pare nakakaiyak naman ito! Minsan kasi tayong mga lalaki hindi natin masyado naipapakita yung pagmamahal natin sa father natin at parang nababalewala natin sila Dahil parang nababaduyan tayo kapag ginagawa natin iyon.. Pero nabago ang lahat sa akin simula ng mamatayan ng father yung mga kaibigan ko, lagi nila sinasabi sa akin na habang buhay ang tatay mo ipakita mo na mahal mo sya dahil mahirap mawalan ng isang ama at mahirap gawin ang mga bagay na ndi mo na pwedeng gawin kapag wala na sila.. Salamat pare sa post mo na ito dahil mas lalo ko pang mamahalin ang tatay ko..

pb said...

potah naman. pagod ako eh tapos binasa ko pa to. hindi lang utak at katawan mabigat ngayon, pati puso ko. naman eh,,, kasi kasi...

ganun talaga. umaayos naman ang lahat. hihi.

Anonymous said...

na-touch ako sa post parekoy. nice one. belated hapi bertdey sa erpat mo. tenks nga pala sa pagbisita sa site ko. add nga pala kita.

Lyzius said...

i was touched...happy birthday dad...

Mariano said...

Naghahanap ako ng komedi na hirit sa dulo pero wala. Malapit na din akong maiyak dahil sa aking nabasa.

Isang matiwasay na kalagayan para iyong tatay boss Chie. Happy Birthday sa kanya.

ToxicEyeliner said...

=( kausap kita ngayon...
"Maraming akong pangarap na balak gawin na kasama siya. Hindi ko iyon nasabi lahat sa kanya." >>> Alam mo... Lagi kong naiisip na bago nia ko iwan, dapat magawa ko lhat ng gusto kong magawa habang kasama pa siya...

siguro naman alam ng daddy mo ngayon ung tunay na nararamdaman mo...

ang pwedemo nlng siguro gawin ngayon e gawin mo sa iba ang d mo nagawa sa knya...

magiging masaya tyong lahat...



belated sa daddy mo!

HaFiTz said...

Tandang tanda ko pa ang araw na ito. Malas ka sa Live nun e. Tapos humihirit pa si Luigi. Taenang yan!

Nakikiramay ako bro sa iyong pagdadalamhati. Naway mamutawi ang kapayapaan sa iyong puso.

Dyilyan Oh said...

:( haaay. sad.

very touching post.

Anonymous said...

pasaway ka chie, naiyak din ako. *sniff*